Prologue

1.6K 80 19
                                    

I wish I was good enough.


"Kj, you're good enough for me."

Paulit-ulit ko itong naririnig mula sa aking isipan pero bakit tila kay hirap paniwalaan? Bakit hirap na hirap akong maniwala kahit na alam ko naman sa sarili kong kaya ko naman, na magaling naman talaga ako?

Why do I always have to feel like I wasn't good for anything even when I'm not?

Why do I always have to fight against my own thoughts?

"We should stop this, Ven." Pagod akong napabuntonghininga habang sinusuot ang aking pang itaas.

He was about to lit his cigarette when his eyes found mine. Mabilis niyang inilapag sa ibabaw ng mesa ang isang stick ng sigarilyo bago marahang hinaplos ang aking braso. He slightly grabbed me by my elbow as I tried my best to look away because I can't be emotional right now.

Not in front of him. Never.

"Can you look at me, Kj?" Binigyan niya ng isang mababaw na halik ang aking balikat habang ako ay nag-iiwas pa rin ng tingin sa kaniya. "Please, love?"

Tang inang tawagan 'yan! Wala naman kaming label pero may endearment? Tang ina ulit!

Unti-unti akong kumawala sa kaniyang pagkakahawak at buong tapang ko siyang hinarap. "Venom, ayaw ko na."

His brows furrowed in confusion. "Ang ano?"

"Ito, itong meron tayo. Ayaw ko na." Napalunok ako nang makita ang pagdaan ng sakit sa kaniyang mga mata, pero kailangan ko itong tiisin.

What we have right now will only ruin us even more in the future. This thing needs to stop immediately. Ayaw ko humantong sa puntong hulog na hulog na kaming pareho pero hindi namin sigurado kung kaya at handa na ba kami para sa isa't isa.

"W-what? Why? I mean, ayos naman tayo, 'di ba? Bakit biglang ayaw mo na?"

Kasi mahal na kita. I fell harder and I don't know if I can still be with you despite of not having any assurance that you'll love me back too.

Gustong-gusto ko itong sabihin pero hindi ko magawa. Tingin ko rin naman ay alam niya na ang dahilan kong ito kahit pa hindi ko sabihin sa kaniya.

"Akala ko ba dalawa tayo rito? Bakit nag-decide ka na mag-isa?" dagdag niya pa at mas nahimigan ko lang ang kirot mula sa kaniyang boses.

"I don't want this, Venom. Itong atin, ano ba tayo?"

Sandaling umawang ang kaniyang bibig at doon pa lang ay nasagot niya na ang katanungan iyon. Maging siya ay hindi alam kung ano ba talaga kaming dalawa. Are we fuck buddies? People who has mutual feelings for one another? Hindi ko rin talaga alam.

"Ano ba ako sa'yo?" Mapait akong napatawa nang makita ko siyang mag-iwas ng tingin.

"Mahalaga ka sa'kin--"

"Mahalaga lang ako sa'yo?"

Hindi siya muling nakasagot. And it hurts like a bitch.

"Kj, alam mong hindi pa ako handa, 'di ba?"

Padabog akong tumayo at napahilamos sa aking mukha. "Hanggang kailan kita hihintayin?"

Silence. It hurts me even more.

"Hanggang kailan kita dapat hintayin maging handa, Venom? Sabihin mo kung hanggang kailan para alam ko kung saan ako lulugar sa buhay mo. Kasi sa totoo lang, nakakapagod din sumugal sa isang bagay na hindi ko alam kung may mapapala ba ako o wala."

Another silence.

His silence about this matter broke my heart into pieces. Clearly, I no longer want to be just someone who's important for him. I want more than that. Gusto ko rin naman na mahalin pero paano ko sasabihin na iyon ang gusto ko nang hindi ako magmumukhang nanlilimos sa kaniya?

What can I do to make him love me willingly without him remembering what happened in his past? Because our past won't determine what will happen in our future. The wind around us right now will no longer take us from what happened yesterday.

Pero wala e, wala naman akong magagawa kasi walang kami at hindi mabibigyang pangalan itong sa amin.

Kaagad niyang hinawakan ang aking kamay nang sandali ko siyang talikuran. "Please, Kj, let's fix this. We can make this work--"

Mabilis kong pinunasan ang mga luha mula sa aking pisngi bago ko siya hinarap. "If letting me wait for you without any assurance is the definition of me being important in your life, then I don't want that. Pagod na ko, Venom. Pagod na akong maging mahalaga lang sa buhay mo."

He slowly let go of my hand as I walked out from his apartment.

That night, I knew he gave up on us too. Maybe he also realized that the thing between us is just pure nothing.

I guess, I wasn't really good enough.

Yesterday's Wind (Fiorello Series #2)Where stories live. Discover now