Chapter 1

801 28 22
                                    

Chapter 1
Him



TAHIMIK AKONG nakatingin sa mga batang abala sa pagguhit at pagpinta ng iba't ibang mga tanawin. They looked so happy while playing with those paints that has different colors.

Sometimes they would approach me to ask which paint color to use but I will only tell them to always choose what they want, because art is all about exploring and being creative.

"Why don't you join them?" Tasha, my best friend, asked as she fixes her shirt. "Mag-paint ka rin do'n!"

Napailing ako. "Hindi naman ako magaling."

I saw her frown.

This has always been her reaction and I'm used to it. Madalas ko naman sabihin at isipin na hindi talaga ako magaling sa mga bagay na ginagawa ko. I'm like okay with everything but I never excel on anything. I didn't graduate with flying honors, just an average grade and I have never experienced being employed. Sa tanda kong 'to, wala pa rin akong napapatunayan sa buhay ko.

Pero wala naman sa edad ang pagiging matagumpay sa buhay. Some people can be successful during their twenties and some are not. It's just a matter of right timing. Kung hindi pa para sa'yo, baka sa susunod na buhay, para sa'yo na.

Ang kaso, bakit may susunod na buhay pa? Hindi ba p'wedeng final na 'to?

"Ate Kj, tingnan mo po itong gawa ko!" Lumapit sa akin ang isang batang babaeng may dala-dalang papel.

Nakangiti ko itong kinuha para tingnan habang siya ay nakangiti rin at nakatingala lang sa akin. This is like an abstract painting and to share my thoughts frankly, this could have a lots of meaning. Sa nakikita ko kasi ay tila may imahe ng isang batang nakasakay sa duyan sa gitna ng kagubatan. Hindi madilim ang buong kapaligiran at tila papasikat pa lang din ang haring araw.

The thing is, I'm not sure if the girl is sad or she's just actually enjoying her time without anyone. Nonetheless, the painting is really good.

"Ang ganda-ganda nito!" Pumantay ako sa kaniyang tangkad bago ko bahagyang ginulo ang kaniyang buhok.

"Totoo po? Thank you, ate Kj! Idol po kita, e!"

Natawa ako sa kaniyang sinabi at ang iilang mga bata ay sumunod na rin sa kaniya para ipakita sa akin ang kanilang mga ginawa. Linggo-linggo ko itong ginagawa, ang pagiging boluntaryo sa mga charity event para sa mga bahay ampunan. Nagtuturo kung paano magpinta at gumuhit sa mga batang patuloy na lumalaban sa buhay.

Ang gaan sa pakiramdam mapaligiran ng mga batang kagaya nila. Parang ang saya lang nila lagi at parang ang gaan lang ng buhay kapag nakikita ko sila.

Kung itong mga bata nga ay patuloy na lumalaban para sa kanilang mga pangarap, paano pa kaya akong matanda na?

Nang matapos ang lahat ay nagsimula na kaming magligpit ni Tasha. Ang mga bata naman ay kailangan nang bumalik sa loob ng bahay ampunan para kumain at makapagpahinga. Sa susunod naman na linggo ay sa ibang bahay ampunan kami pupunta. I think my parents are also going to come with us.

Iyon ay kung hindi sila abala.

"Shuta, bilisan na natin dito, Kj!" Mabilisang kinuha ni Tasha ang iilang mga kalat at barubal itong inilagay sa loob ng sako. Napangiwi ako roon at bahagyang nagkamot ng aking ulo.

Nakangiwi kong dinampot ang ibang paint brush na nagkalat sa mesa. "Ano bang meron at bakit aligaga ka?"

"Magkikita kasi kami ng boyfriend ko today." She giggled. "You know naman, monthsary namin baka sakaling madiligan ako!"

Tumango-tango ako at napaisip. Kung hindi ako nagkakamali ay nakilala niya iyon sa isang sikat na dating application. Noong una ay akala ko hindi sila magtatagal pero nakakagulat na magdadalawang taon na silang dalawa ngayon. Her boyfriend is actually a great man and I'm happy for her.

Yesterday's Wind (Fiorello Series #2)Where stories live. Discover now