Epilogue [2.]

1.2K 40 11
                                    

_

Haruto's POV

Kaninang umaga nag warning na yung TREASURE J na andoon sa room yung patay na patay sa akin, malay ko ba naman may maiinlove parin sa kagwapuhan ko kahit na may Kyra na ako hays #Gwapoproblems. Dito pa ngalang sa silid-aralan kahit may klase ngayon kung makadikit sa akin si Cookie parang higad na at oo... Cookie pangalan niya wala na tayo magagawa doon. Alam kong gwapo ako pero nakakainis na siya ah mas gusto ko parin katabi si Kyra. 

Ay- Oo nga no... gumawa kaya ako ng paraan para si Kyra nalang tumabi sa akin? o kaya naman para gumala nalang... Tama tinatamad ako ngayon mag aral. Wag kayo ngayon lang ako tatamarin mag aral. Ang talino ko talaga bwahahahaha.

Tumingin naman ako sa may kanan sa may malapit sa bintana kung saan andoon si Kyra. Ayun nakopya parin kung ano ang nakasulat sa pisara hays ang ganda parin ng bebe ko kahit anong gawin niya. Ang bagal naman mag sulat nito. Pero nakaisip na ako ng idea bwahahahahahaha.

Agad ko naman kinuha ang aking cellphone at sinet ang kalokohan na tawag buti nalang talaga at hindi pa nauubusan ng baterya wala pa naman akong dalang pantablay. Wow lalim pantablay bahala yung iba dyan alamin niyo ibig sabihin nan. 

Tumingin naman ako ng palihim kay Cookie ayun nagsusulat rin na isa pang makupad at nung tumingin siya sa akin nag flying kiss siya sa akin. YUCK YUCK!!!!!! Tumingin ulit ako sa direksyon ni Kyra ayun tamang-tama tapos na siya magsulat tumingin naman siya sa akin at nakangisi naman ako sa kanya siguro naman nakakaramdam siya sa gagawin ko.

At sakto naman tumunog na yung telepono ko. Tumayo naman ako at tumingin sa guro ko at sinabi kong sasagutin ko lang yung tawag ko at lumabas naman agad ako sa classroom papunta sa banyo. Naghintay muna ako ng limang minuto bagong bumalik doon, pagbalik ko naman sa silid-aralan-- oh sige classroom na nakakapagod rin tagalog ng tagalog ano. 

Pagbalik ko sa classroom, Sinabi ko na sa aking guro na "Mahal na guro gusto ko lang po sana magpaalam sayo na may importante kaming pupuntahan ni Kyra. Sabi po kasi ng magulang namin kailangan po namin umalis ngayon may nangyari daw pong masama. Sana po payagan mo po kami" Nakita ko naman nanlaki yung mga mata ni Kyra at tumayo na agad at lumapit sa amin. 

"Ano?! anong nangyari hala." Sabi niya na halos mangiyak-ngiyak na pfffft- patay ako nito sorry na Kyra. Sorry talaga sa kalokohan ko. 

"Sige, dalian niyo na." Pagkasabi naman ng teacher namin  ay yumuko naman kami sa kanya bilang pagbigay ng respeto at lumabas na kami sa classroom. Paglabas namin ng school ay doon ko na nilabas lahat hindi ko kaya tiisin hindi tumawa, tumawa naman ako sa kanya na ikinatataka niya. 

"bakit ka natawa?!" 

"Alam mo ba ang galing ko talaga gumawa ng kaloko---araaaaay kyra naman" bigla ba naman ako piningot sa tenga ko. Kasalanan ko bang tamarin ako ngayon? at tsaka ngayon lang naman ah. 

"Ikaw- halos mangiyak ngiyak na ako tapos hindi naman pala totoo yun?" Sabi niya hala nasa itsura na niya yung galit na galit ang mukha, namumula na nga eh hala nakalaklak ata ito ng sawsawan na kulay pula. Isip Haruto kung paano mapapakalma ito. ISIP!!!!

"Oo na sorry na kyra, tutal nangyari naman na manlilibre nalang ako. Date tayo" Sabi ko at bigla naman nagbago ang ekspresyon niya na tuwang-tuwa. Ayos!!! Galing ni Gwapong Haruto. 

"Talaga?!"

"Oo, at tsaka kaya ko rin ginawa yun kasi namiss kita" Sabi ko sabay yakap ko sa kanya..."Panay aral nalang kasi tayo hindi na ako makaharot sayo" 

"Hindi makaharot?! Talaga ba Watanabe?! Eh nung nag aaral nga tayo kung makaharot ka sa akin wagas" Sabi niya sabay yakap niya rin sa akin "Pero...namiss rin kita hehehe" 

Wala eh hindi niya ako matiis. Gwapo ko kasi. 

_

a/n; the end, sorry sa ending HAHAHAHA. 

S: 01 ╱ 11 ╱ 19
E: 02╱ 03 ╱ 19

TogetHER | Haruto WatanabeWhere stories live. Discover now