48. | Haruto's

816 33 5
                                    

Pagkagising ko aish ang sakit ng ulo ko...hindi ko masyado naalala ang lahat kung ano nangyari sa akin basta ang alam ko nung nasa school kami ni Airah may inabot siyang tubig sa akin inistraight ko yun pero parang may something sa lasa at yung pagdaloy sa lalamunan ko at hanggang doon lang naalala ko, tumingin ako sa gilid ko at nagulat na andoon si Kyra na naubob siya sa tabi ko na natutulog...

Hindi ko namalayan na napangiti na ako nang makita ko lang siya. Gumalaw naman agad siya at nagising agad siya....

"Oh? Ayos ka na ba?" Tanong niya sa akin habang kinusot kusot pa niya ang mata niya.

"Anong nangyari?" Tanong ko sa kanya at kinuwento na niya ang lahat sa akin. Hindi ako makapaniwala...na ganun pala gagawin ni Airah sa akin.

Si Airah yung isa sa mga nagkakagusto sa akin at binigyan ko siya ng chance na patunayan na kung mahal niya talaga ako at hindi ako makapaniwala na ganito ang gagawin niya sa akin napainom pa niya ako ng alak. Binigyan ko siya ng chance dahil that time may galit parin ako kay Kyra...at ayun yung pinakamali kong desisyon sa buhay ko.

Sana nalang hindi ko nalang pinairal yung galit ko sa kanya dahil sa mga ginawa niya sa akin nun, kung pinatawad ko lang sana agad si Kyra edi sana masaya kami ngayon...

Kyra nag sisisi ako sa mga ginawa ko, alam kong nahulog ka na talaga sa akin pero anong ginawa ko? Sinaktan rin kita.

Mapapatawad mo pa kaya ako?

TogetHER | Haruto WatanabeWhere stories live. Discover now