Chapter 27 : The Queen of Club

396 9 1
                                    

Chapter 27 : The Queen of Club

Jhen Velasco (The Queen of Club) POV

Queen of Club - Always positive and strong willed, the Queen of Club are practical and decisive in their application of knowledge. Likewise, their quest for knowledge is insatiable, and they are impatient and intolerant of ignorance or mental laziness in others.

Most of what my card says is real in my daily life but in a fight......it's the opposite, i'm not impatient and decisive in settling the issue against the enemy. I guess?!

weewww.....Solid english ang first two paragraph ko. Thanks author kahit na yung umpisa ay galing sa wiki. Hahaha

***

Habang nanunuod ako ng laban ni Mark ay hawak hawak ko syota niya na si Kim, gusto kasi pumunta sa gitna para makipaglaban.. Ikadena ko kaya to, gaya ng ginawa namin dati... Haha, pano kasi at that time ay nanunuod lang kami  ng laban... Pero ang ginawa niya ay sumali sa laban at binogbog yong dalawa na naglalaban.

Si Jake naman nakaupo lang at nakasandal sa upuan habang nanunuod pero bakas sa mukha niya na hindi siya nag eenjoy. Si Yuu naman nakahiga at naka-close ang mata pero sigurado akong hindi natutulog yan, nakasara man ang mata niya ay nakikinig yan sa nangyayare.

Natapos ang laban ni Mark, syempre siya ang nanalo. Maswerte yung nakalaban niya na siya ang nakapareha niya at hindi yung tatlong kasama ko dito. Promise, maswerte ang nakalaban ni Mark at ang makakalaban ko dahil hindi kami brutal sa kalaban namin unlike dito sa tatlong kasama ko.

Sumunod na lumaban si Kim, at gaya ng sinabi ko ay brutal nga ito pag dating sa laban. Nang matapos kasi laban ay basag ang kabilang mukha nung babae... Eww. Not really basag...pero duguan talaga...nawalan pa ata ng ngipin. Eww again.

Well...It's my turn mga people kaya panuorin niyo nalang ako sigurdong hahanga kayo sa aken pag nakita niyo akong makipaglaban, baka gumawa kayo ng sarili kung monumento ko para ako ay inyong sambahin.

*pak*

May nangbatok sa aken, pagkatingin ko ay si Yuu. 'Bat mo naman ako binatokan?' tanong ko sa kanya haabang hinihilot yung natamaang ulo ko, naksss....baka may namatay na brain cell.

'Ikaw na ang lalaban, kanina pa naghihintay yung kalaban mo...Kanina kapa nag mo-monologue jan, ang lakas pa ng boses mo dun sa part ng monumento.' sabi niya pero natatawa ito.

Kahit yung mga nakarinig ay natatawa.

Pak!!! Opps ay did it again!

She's a what?-Yuuki Matsumoto (Editing) ONHOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon