...it changed.

21 3 2
                                    

JILL's POV

Akala ko mabilis kong makakalimutan ang feelings ko para kay Drew. 

Nakaka-inis nga ako eh, kung makapag-emote akala mo may nangyaring mas higit pa sa scene sa kotse ni Darius noon. Ni-hindi nga nabigyan ng chance na magka-text kami, maging friends sa facebook at mag-follow pareho sa twitter

One year na ang nakalipas simula noon. Third year college na kami pareho at may mga sarili ng mundo. 

I mean, di na kami masyadong nagpapansinan kahit sa loob-loob ko, gusto ko na syang ngitian. May hiya na akong nararamdaman at parang napaka-awkward pag magkasama kaming dalawa--kasama sila Ulysis at Darius.

Hanggang ngayon, naka-save parin sa cellphone ko yung unang picture namin noong celebration week ng department namin. Nasa iisang department lang kami. 

Paalis na kami noon ng biglang tinawag ni Regh (friend ko) si Drew. 

Pinilit nya akong magpapicture. Napilit naman nya ako sa dahilan na magpapapicture din daw sya. KAHIT NILOKO NYA LANG AKO!

"Pwede po bang magpapicture si Jill, Kuya Drew?" Nagulat ako dahilan kung bakit literal na nanlaki yung mga mata ko, di ko alam kung nakita ni Drew yung reaction ko.

"Sige! ^__^" Langya! May ngiti pa. Kaasar!

Hinila na agad ako ni Regh kahit na ayaw ko, pero hindi na ako naginarte noon dahil baka lalo nya pang mahalata. NAKAKAHIYA YUN, DIBA?!

Nag-flash na yung camera. Napatingin ako sa kanya, at nagulat ako nung nakatingin din pala sya sakin. NAKASMILE PA. 

Sheeeeet! Kinikilig ako!.

"Thank you po! ^_^" Haaay! Feeling ko naman hindi ako namplastic nyan, totoong nagpapasalamat ako dahil sa wakas, may picture na din kami! XDD

Tsaka, alam ko, kinilig din sya. Chos! 

So yun nga, until now, naka-save parin yung picture na 'yon. In fairness, ang ganda ko dun at ang pogi nya. Bagay kami!

Pero seryoso, bagay nga kami. HAHAHA! 

---

"Jill.. Please? Ikaw na ang sumali dun sa contest. Please?" You read it right. Pinapasali na naman ako sa singing cntest ng mga kaklase ko. Alam ko naman na saksakan ng ganda ang boses ko, baka matalo lang yung mga kalaban ko dun. HAHAHAHA! Kapal ng muka! 

Seryoso na, ayaw kong sumali dun sa Superstar na contest na 'yon, kase sumali na ako last last year, talo ako nun, baka isipin naman ng mga tao na wala akong kadadalaan, diba?

"Eh? Baka kase matalo na naman ako. Nakakahiya na sa inyo." Totoo, isa rin yan sa inaalala ko, pag natalo na naman ako, nakakahiya na sa mga kaklase ko, syempre, gusto ko din may maipagmalaki sa kanila at sa mga profs.

"Sus. Kami na nga humihingi ng pabor sayo, samin kapa mahihiya?"

Haaaay! Hirap tanggihan ng mga 'to, kaya sa madaling salita napasali na din ako. To think na 2 weeks nalang, competition na. 

Lahat ng course per section ay kailangan may representative, hinati kami sa tatlong grupo. Each group may category. 

Per category ang labanan, pipili ng panalo each then sila-sila ang maglalaban for the title of CAS SUPERSTAR. Ang mamanalo dito, haharap sa matinding battle. *CAMPUS* IDOL na ang title pag nanalo sa next level.

So, country song yung nabunot kong category. Syempre pa, agad na naisip ko si Taylor Swift. Naisip ko din si Kenny Rogers pero minabuti kong mamili sa mga kanta ni Taylor! XDD

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 03, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tomorrow it may ChangeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon