Almost A Cinderella Story mini-series SOON ON TV5!

27.6K 435 96
                                    

CONFIRMED: #AlmostACinderellaStory Mini-Series soon on TV5

Masasabi kong ang 'Almost A Cinderella Story' ang pinaka-memorable na story sa lahat ng nagawa ko. First story ko ito sa Wattpad. At dahil din sa story na ito ay nakilala ko ang long time bestfriend/ sis/ friend ko na si Tinay o LadyPhoenix! Ang sipag niya kasing mag-comment noon at tinulungan niya akong mag-improve. July 2011 ko ito isinulat at ipinost sa naturang site. Natuwa kasi ako sa Diary Ng Panget ni Denny kaya nainspired akong magsulat. Yes, walang kaalam-alam si Denny na siya ang bumuhay sa dugong-writer ko. Haha!

Nag-umpisa ang AACS sa readers na hindi lalagpas ang bilang sa sampu at natapos din ang story ko na ganun pa rin ang readers ko. Nakakalungkot, di ba? Hehe... Pero hindi para sa akin. Kahit papaano ay may natulungang college student ang 'Almost A Cinderella Story' noong pumayag akong gawing book-bookan ng ilang college students ang AACS para sa final defense nila.

Then, last January doon na nag-level-up si Ekang! Minessage ako ng hambog na writer na si Maxine, ang sabi niya nirecommend niya ako sa LIB. Tapos, tuloy-tuloy na. Pinapapasa na sa akin ni Miss Agnes yung AACS for publishing. Sobrang saya lang pero nalungkot ako kasi pano ko ieedit ang AACS kung wala akong computer? Buwis-buhay ang ginawa ko noon! Madugong pag-eedit ang nangyari gamit ang aking low-end na cellphone. Hindi ko alam kung kayang talunin ng kalyo ko sa hinlalaki ang Encyclopedia sa kapal ng panahon na iyon. One-month ko natapos ang editing. Nakangiti kong isinend iyon kay Miss Agnes kahit na masakit ang thumb ko. HAHA!

July 2014... After three-years. Nakita ko na rin sa wakas sa bookstores si Ekang. Biruin niyo, iyon... Tatlong taon ang hinintay ni Ekang bago siya rumampa sa mga bookstores. Salamat LIB family for that!

Wala naman masyadong achievement ang AACS. Tatlong taon na ito sa Wattpad pero hindi pa rin pumapalo sa million reads. Pero kahit ganoon, masaya pa rin ako. Dahil, heto na nga... Magiging mini-series na siya sa TV5! Alam niyo iyon, yung saya ko... daig ko pa ang nanalo sa lotto, STL, karera ng kabayo at jueteng! Daig ko pa ang saya ni Marian nang magpropose sa kanya si Dingdong on national tv! Daig ko pa ang fulfilment ng isang tao na naipasa sa 20 people ang may sumpang text message!

Maraming salamat po sa inyo at sa Kanya! Sana po ay suportahan niyo si Ekang at Alden sa telebisyon...

Teka, ano bang pinaglalaban ko at nobela na ito? Wala naman. Nung bumili kasi ako kanina ng mani sa tindahan, wala na daw. Huhu! ;(

#AlmostACinderellaStoryTV5

🎉 Tapos mo nang basahin ang Almost A Cinderella Story (UNEDITED VERSION) 🎉
Almost A Cinderella Story (UNEDITED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon