5- Genie

36.1K 578 70
                                    

EKANG POV

"Ano bang condition gusto mo?", I asked Alden.

"You'll be my..GENIE!"

"G-genie???"

Tama ba ang tenga ko. Genie??? Yung Genie in a bottle. Hindi kaya ilalagay niya ako sa bote at doon ikukulong. Imposible.

"You heard me right!"

"Teka..Elaborate! Anong genie.."

"Ayaw mo ba?!"

"Oo na..Gusto na..", kung hindi lang talaga..Nakuuu. Hindi ako magbabait-baitan dito. Oras na ma-sure kong nadelete mo na videos ko, yari ka na naman sa akin.

"Okey..Dahil genie kita..May five wishes ako sayo.."

Ah, gets ko na.

"Teka...Bakit five wishes? Usually ang genie three wishes lang diba. Yung iba nga one wish lang eh..!"

"Aixt! Dami mong reklamo. Sa gusto kong lima eh..!!!"

"Okey..okey.."

"Good. Heto ang una kong wish..."

Nag-isip siya. Infairview, ang cute niyang mag-isip. May pakagat-kagat pa ng labi huh.

"Ah..Alam ko na! Hintayin mo ako mamaya sa gate ng Wellington Academy. Sabay tayo, dadalhin kita sa bahay."

"Bakit mo ko dadalhin sa bahay niyo?"

"Argh..Dami mong tanong ah.."

"Sige na..Sige na..!"

"Okey, bye..Alis na ako, baka may makakita pa sa atin..Baka kung anong isipin.", at umalis na siya.

Kapalmuks talaga! Porque gwapo eh!

Ano naman kayang ipapagawa niya at sa bahay pa niya???

Oh no! Ang puri ko....

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Mauna na kayo..May hihintayin pa ako eh."

"Sinetch itech..?", tanong sa akin ni Qwerty.

"Wag niyo nang alamin.Mauna na kayo ni Aljun."

"Okey, ingat ka na lang Ekang.", si Aljun.

Sumakay na silang dalawa sa pick-up ni Aljun. Nag-buh-bye ako sa kanila. Nang mag-isa na ako, natakot ako sa gagawin ni Alden sa akin. Wag lang siyang magkakamaling galawin ako dahil gagamitan ko siya ng deadly attack ko.

Almost A Cinderella Story (UNEDITED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon