The Train..

54 3 0
                                    

Naka-upo ako sa bench at hinihintay siya...

Nag promise kasi siya na sabay kaming sasakay ng tren at sabay kaming papasok. Nakadaan na ang ika-limang tren simula ng mapunta ako dito pero hanggang ngayon wala parin siya. Hinipan ko ang bangs ko. Mannerism ko pag nafru-frustrate ako.

"Bess!" Narinig ko ang matinis niyang tawag sa pangalan ko.

Tumingin ako sa isang babaeng tumatakbo habang kumakaway saakin.

Kahit kailan talaga late ang babaeng ito dumating..

Nang makalapit na siya saakin agad niya akong niyakap at saka nagpaliwanag.

"Bess! Sorry! Traffic kasi eh! Tapos yung nasakyan ko pang jeep tumirik! Ang malas ko talaga ngayong araw! Aish!" Sabi nito sa hinipan ang bangs niya. Sign of frustration. Parehas talaga kaming dalawa nitong babaeng ito.

"Okay lang naiintindihan ko. Halika na at sumakay na tayo sa susunod na tren baka malate pa tayo sa school." Sabi ko sakanya at hinila siya para pumila sa mga sasakay ng susunod na tren.

Nakasakay na kami sa loob at alam natin na hindi maiiwasang magsiksikan sa loob ng tren. Kaya ayun kami para kaming mga sardinas na nagsisiksikan.

Nang makadating na kami sa station na maraming taong bumababa ay agad kaming naka-upong dalawa sa upuan na bakante.

"Hayy~ Grabe! Pawis na pawis na ko! Ano bayan!" Reklamo ni Bess. First time pa lang niyang makasakay ng tren.

Inabutan ko siya ng tissue para punasan yung pawisan niyang mukha.

Tinanggap naman niya yun saka ayun nagpunas na ng mukha niya ng tahimik.

Hindi ko maiwasang ikutin ang paningin ko. Iba't ibang klase ng tao ang nakikita ko araw araw sa tuwing sasakay ako ng tren. Merong nakangiti, nakasimangot, galit, malungkot at kung anu-ano pa. Minsan nakakatuwang pagmasdan sila..

Pero may hinahanap ako..

Hinahanap ko yung lalaking madalas kong makasabay sa tren..

Asan na kaya yun?

"Bess? Nakikinig ka ba?" Sabi ni Bess sa tabi ko.

Dahil sa busy ako kakahanap sa lalaking iyon para tuloy akong may sariling mundo.

"Ano yun?" Wala sa sarili kong tanong.

"Sabi ko halika na! Tumayo na tayo at sa sunod na station na tayo bababa." Sabi niya at hinila na ako patayo.

Sayang naman at di ko siya nakita..

***

Matapos ang klase hindi sasabay si Bess saakin dahil magbu-bus na lang daw siya. Ayaw na niya daw sumakay sa tren dahil daw siksikan.

Kaya ayun hinatid niya muna ako sa sakayan ng tren bago siya sumakay ng bus.

Nang makarating ako sa usual spot kung saan ako nagaabang ng tren ay may isang lalaking umupo sa tabi ko.

Hindi ko siya nilingon dahil sa busy ako sa pakikinig sa cellphone ko ng mga bagong download na kanta.

Nang marinig ko na ang pito ng isang guard hudyat na paparating na ang tren ay agad akong tumayo para pumila na at maka-uwi na rin.

~

Nang makadating ako sa bahay napansin kong hindi ko makita ang paborito kong panyo.. Hinanap ko yun kung saan man sulok ng buong bahay pero di ko makita. Hindi ko naman matandaan na naiwan ko yun sa school dahil lagi ko itong hawak hawak napansin ko na lang na wala na akong hawak nang makarating ako sa bahay..

The Train [ONE-SHOT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon