Torpe

634 10 2
                                    

I.
Walang karapatang masaktan
Walang dahilan upang ipagpilitan
'pagkat ako'y nagmamahal lang,
Sa isang babae na saki'y ayaw naman.

II.
Sa totoo lang nakakinis na 
Nagagalit sa sarili at bakit siya pa
Ayaw na nitong sakit na dama
Ngunit anubang magagawa, mahal ko siya

III.
Ngunit nang masilayan siyang muli
Sakit sa puso dagling napawi
Hay nako... muling nabighani
Nadala sa may gayumang ngiti.

IV.
Marahil ay baliw na nga ako
Patay na patay sa babaeng ito
Pero duwag namang aminin
Habang buhay na atang kikimkimin.

V.
Oo, alam ko, ako'y tinatawanan
Ang iba, ako'y kinaka-awaan
Sadyang torpe lang at...ewan?
Sa tula't awit na lang idadaan.

Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon