INTRODUCTION WITH BACKGROUND MUSIC ;)

5.2K 65 17
                                    

Bago ko ibahagi ang magulong kwento ninyong apat, dapat niyo muna sagutin ang di namamatay na tanong na ito:

"Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo?"

Hindi ito about sa Kim-Xian movie, although alam ko nakakarelate kayo.

pero bakit nga ba kung sino pa yung gusto mo ay ayaw naman sayo?

Paki-explain at iconnect sa mga buhay-buhay ninyo.

Teka, ipla-play muna natin ang themesong ninyo para mas dramatic.

Cue.

Insert background music.

Oo nga pala, hindi nga pala tayo

Hanggang dito lang ako, nangangarap na mapa-sayo

Hindi sinasadya

Na hanapin pa ang lugar ko

Asan nga ba ako? Andiyan pa ba sa iyo?

Nahihilo, nalilito

Asan ba ko sayo? Aasa ba ko sayo?

Nahihilo, nalilito

Asan ba ko sayo? Aasa ba ko sayo?

O, tama na ang pagiging senti sa music... seryosong random interview lang ito... introduction lang sa mga buhay-buhay ninyo.

BAKIT HINDI KA CRUSH NG CRUSH MO?  

Sumagot kayo from left to right... ikaw muna DJ. :p

DJ:  Eh sa akin simple lang...ano kasi... yung crush ko medyo boba... at medyo sira na rin ang mata kakatitig sa TV, laptop or cellphone niya... kung baga, loading masyado.  Hindi niya napapansin ang isang napakagandang nilalang na nasa harap niya... dahil yun nga, masyadong SLOW.

Kath:  Hmmmm.... sa akin naman yung crush ko ay hindi ako kilala. Masyado siyang sikat.. Pinagtitilian ng lahat ng babae kahit saan siya magpunta.  Ako eto, isang hamak na fan / stalker lang.  Kung baga langit siya at lupa ako... ganoon ang peg namin.  

DJ: -_-

James:  As for me? The girl I like for so many years is mad at me... she doesn't even want to see me or be near me.  I don't know why it's always her when there are so many other girls around me.  I guess you really can't teach your heart... All these years, It's always been her... but I know whatever I do, she'll never find it in her heart to forgive me or my family... It just sucks.  They say I'm living a very good life and envied by everyone... but to be honest,  there's never a moment where I didn't feel lonely or empty.

DJ:  Teka, kailangan pala english sagot dito?

Kath:  Haaayyyy.... Epal ka rin masyado eh, noh?  Ikaw na nga, Nads!

Nadine:  (sigh) Ako naman... simple lang... yung crush ko ay in love sa bestfriend ko or should I say bestfriend niya?  Hindi niya naman ako nakikita... Sa aming tatlo, ako ang third wheel... ang Odd One Out.  Ako ang nasa FRIENDZONE.  Depressing, diba?

James: -_-

Author/Interviewer:  Teka, teka teka eh bakit di na lang aminin sa crush mo na gusto mo siya?

DJ:  Haha!  Buti sana kung ganoon kadali diba?  Kung ganoon kasimple ang lahat... eh di sana walang mga nasasaktan at umiiyak... walang nagpapakamartyr.

James: Do you really think if you tell someone how much you love them, they'll automatically say they love you back? ... IF ONLY IT WAS THAT EASY.

Kath:  In fairness, flawless ang english ni James ^_^ Nasa iyo na ang lahat!

DJ:  Minsan sarap sakalin ng katabi ko eh.

Nadine:  No comment. 

.... Oo nga naman.

Love is always complicated.  Teehee.

Cue Background Music again.

___________________________________________________________________________________________

At dahil fiction to, promise i'll do my best na tapusin ko to.  I'm inspired.

Patience. patience. patience :D

I'm open to receiving donations for cover haha.

Wala akong talent at time gumawa so temporary muna yang cover ngayon. 

Sorry na po.

I thank you.  Bow.

Pls. vote/comment - JOPAY :)

MIGRAINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon