Uno

1K 21 0
                                    

Meeting

Iselin Sana Torre

3rd week na simula ng mag pasukan as usual wala namang pinag bago ganun parin naman kaso pahirap ng pahirap tong pinapagawa samin akala ko puro drawing lang ang gagawin.

Puro drawing nga naman at ok lang kung mga tao o bagay bagay pero hindi, mga plano ng bahay besh  buildings and etc. malamang arkitekto nga diba.

Si Ninong kasi first choice ko Information Technology or IT mahilig kasi ako sa computer at gusto ko ring mag turo about dun.

Second choice ko naman is HRM o kahit anong connected sa Cooking.

Mahilig kasi ako magluto at yun talaga yung pangarap ko pero sabi ni ninong wag na daw akong kumuha ng ganung course, kasi yung mga tito ko yun na yung tinapos mag iba naman daw ako.

At para maiba una sa bucket list of suggestion niya ay ang kursong Architecture .

Mahilig rin naman ako mag drawing sa katunayan nga nung high school panay sali ko sa mga contest pero bihira lang manalo ng grand prize pero at least second place ako.

Parang siya. Kapag sa kanya palagi nalang akong second place!

"Uy Iselin! Paturo naman ako kung ano shape gagawin mo sa kitchen?". Tanong sakin ng classmate kong si Eri.

Oo classmate palang wala pa kong friend dahil kinikilatis ko pa sila isa-isa.

Maging mabusisi, mapagmatiyag at mapag-kilatis sa paghahanap ng magiging kaibigan.

Pinakita ko sa kanya yung nasa libro na kung tawagin nila ay Black Book kasi color black yung cover.

Ang galing diba may sense, parang ito yung guidelines sa pag pla-plano ng isang bahay.

"Kahit anong shape gawin mo, mag imbento ka ng kakaiba. Be different!". Sabi ko nalang sa kanya. Nawawala ako sa concentration dahil sa dami niyang tanong.

"Ganun ba. Okay dahil favourite ko ang OPPA!". Napa korean heart sign pa si Eri.

"Yun na lang gagawin ko. Yiee I'm so excited and i just can't hide it! Heart Shaped kitchen". Gumigiling pang sabi niya habang nakaupo sa drafting stool.

Seryoso siya heart shape na kusina? Bahala nga siya. Alam niya namang mayroong tatlong uri ng basic or common shape ng kitchen dito sa blackbook.

"Halatang di siya nag babasa ng guidelines". Napabuntong hininga nalang ako ng malalim.

"Ang alin? Alam ko po yun, nabasa ko sa blackbook nag aaral po akong mabuti!". Napalakas yata yung pagkakasabi ko.

"Wala naman akong sinabi. Saka paano ba mag aral ng masama?". Tanong ko lang sa kanya. Curious ako e.

Nabwiset naman siya sa akin kaya pinasak niya sa tenga niya ang kanyang earphones.

Tinuro ko na sa kanya yung tatlong uri ng types of kitchen at pinili niya yung L-shape. Para rin di na siya magalit.

Mas madali raw kasi kompara sa U-shape at Corridor type.

May pa heart shape pa kasing nalalaman. Daming ka oppa-han.

"Gumawa ka na". Ginawa ko na lang yung sakin basta narinig ko na lang siyang bumubulong bulong.

"Nagbabasa kaya ko ng blackbook, di ko lang naman napansin". Sige deny pa more.

Busy ang lahat ng bigla na lang may pumasok sa room namin na mga higher year at una kong napansin is yung poging naka eye glasses na parang nerd.

"Hi 1st yr section D ako nga pala si ate Jom andito kami ni Kuya Pain 3rd yr students na kami para mag tanong kung sinong interested na sumali sa organization. Dito lang sa department natin". Sabi ni ateng kasama ni Kuya Pain daw.

Ang astig naman ng pangalan niya di naman siguro siya pinaglihi sa sama ng loob.

O kaya favorite ng Daddy niya si Pain sa Anime na Naruto.

"Explain na lang  ni Kuya Pain niyo yung details, Pain paliwang muna". Ayan na magsasalita na siya kilig ako.

He kinda look like Andrew Garfield. Iyong sa American Movie na The Amazing Spiderman. Sa tangkad, style ng buhok, tindig, katawan at lalong lalo nasa mukha!

May hawig din siya kay Dao ming si. Iyong 2018 na bida sa Meteor Garden.

Sobrang pogi kasi kaya ang daming kamukha.

"May bayad siyang 350 sa registration at marami kayong mapupuntahan at matututunan pag nag pa member kayo". He explained shortly and briefly. Pero...

Bakit ganun parang may mali?

"Questions?". Si Kuya Pain ulit bakit parang...

Isa pang salita kyahh! para sa confirmation, verification and identification.

Tulaley din siguro yung mga classmates ko dahil sa kapogian niya. Hindi dahil sa kagwapuhan.

Wala pa siya sa level na yun.

Hmmpp! Artie ko talaga or baka napansin din nila yung napansin ko.

"Kung wala na aalis na kami just go to the office of UAP for more questions or info thank you". Naka alis na sila ng room pero ako dun parin yung tingin sa kung san sila nakatayo kanina.

"Iselin sasali ka ba dun?, gusto ko sana kasi ang kyutie ni koya kaso lang parang ano siya noh?, saka mahal pa yung bayad". Malungkot na sabi ni Eri. Gusto niya sana kaso may bayad pala.

Tama rin si Eri bukod sa mahal yung bayad na identify, na verified at confirmed na confirmed ko na si Koyah!

Siya ay G sa LGBT.

Napatingin ako kay Eri.

"Bakit? Nagagandahan ka ba sakin?". Nangingiting sabi niya. Nag bigay pa ng pamatay niyang smile, kaso may naiwang paminta sa gitna ng ngipin niya sa harap.

Gandang babae di marunong mag tanggal ng tinga!

I told her my plans. My deadly plans.

"Kung dati G siya sa LGBT, Im gonna make him B as in Bisexual. Hanggang sa maging B na siya B as in Big Boy with a Big B hahaha". Ginaya ko pa yung tawa ng mga kontrabida sa tv yung may binabalak na masama. Napa nganga siya.

Akala niya siguro natulala ako sa kagandahan niya. Mga ka-level lang ni Liza Soberano ako mapapatulala!

My impossible-possible mission starts now! First search for her- este his facebook account, then click the add as friend.

Kung si Vice Ganda may Jackie. Si Leam Pain naman ay may Iselin Sana.

Na sana hindi kagaya ng pangalan ko maging puro SANA lang ang lahat.

————————————-
A/N:
In-edit ko iyong mga gawa ko noon. Simula chapter one hanggang kung saan iyong hindi matino na.

Thanks for starting to read my first story.

Kung sino ka mang nagbabasa nito. Pagpalain ka ng diyos at ang iyong pamilya.

Failing To FallWhere stories live. Discover now