When Love Stops

500 11 0
                                    

Jam Santiago, 17 years of age, mula sa isang sikat na angkan. maganda, matalino, mabait,  lahat na siguro nasa kanya na maliban nalang sa taong pinakagusto niya sa lahat, ang taong minahal niya ng palihim ng ilang taon.

 

"goodmorning best!" bati sa kanya ng pinakamatalik niyang kaibigan na si Stephanie Dizon, parang kapatid niya na yan.

 

"goodmorning Stepph! :) " masiglang bati naman ni Jam dito

 

 "teka may iba sa smile mo, nakita mo siya noh?" pang-uusisa ni Stephanie sa kaibigan

 

"grabe hindi naman ahahah! nakita ko siya sa may hallway kanina kausap niya yung mga kaibigan niya." sabi nito.

"kaibigan? sabihin mo mga taong lumalandi sa kanya." inis na sabi ni Stephanie

"ahaha hindi naman siguro mga lalaki kausap niya eh ahahah!" natatawang sabi ni Jam

"adik! di mo naman nilinaw eh ahahah!" tapos eh nagtawanan ang dalawa dahil sa napag-usapan nila

ang tinutukoy ng dalawa kanina sa usapan nila ay si Dave Martinez literal na gwapo, kaya lang kung anong ikinaganda ng panglabas na itsura niya ay ganun din kasama ang ugali at reputasyon nito sa eskwelahan nila. kilala siya bilang isang Hearthrob yung taong habulin ng chiks yung ganun kaya naman pinanindigan niya na ang tawag sa kanya kaya siya naging playboy pero kahit ganun pa ang pagkakakilala sa kanya ng karamihan pagdating kay Jam wala lahat yun.

 Mga bandang hapon ng biglang pinuntahan ni Stephanie si Jam sa bahay nila

 

 "Jam!" sigaw nito

"oh ano? teka ba't nandito ka?" tanong ni Jam sa kanya.

"alam mo na ba?" hingal na tanong sa kanya ni Stephanie

 


"ang alin?" tanong ni Jam sa kanya


"break na si Dave at yung 17th girlfriend niya :D" maligayang sabi ni Stephanie sa kaibigan

 "talaga?" gulat na sabi ni Jam

 

 "oo nga, kanina lang kumalat sa campus." sabi nito

" Hi Dave! :) goodmorning and have a good day ^^"

 Ang aga na naman ni Jam pumasok para lang mag-iwan ng note kay Dave lagi niyang ginagawa yan, at in fairness sa kanya hindi siya nawawalan ng pag-asa. na baka isang araw magising si Dave tapos siya naman ang makita.

 

" araw-araw nalang , sino naman kaya ang nagtitiyagang gawin to for 5 years? XD" natatawang sabi ni Dave, pero sa kaloob looban niya natutuwa siya, dahil na kahit ganun siya eh pinagtiyatiyagaan pa rin siyang bigyan ng note ng sumusulat sa kanya araw -araw.

ONE SHOT STORIES COMPILATION  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon