♥ Sikretong Tagahanga ♥

1.1K 36 19
                                    

A/N: ahaha.. try update kahit isa lang.. ^_^ salamat po sa magbababasa.. thank you.. :))

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- 

Heto na naman ako.. Nakadungaw sa may bintana.. Umaaasa na makita siyang sumilip sa kanyang bintana.. Naghahangad na masilayan siya ngayong umaga.. 

Ang maamo niyang mukha.. Malalamtik na mga mata.. At ang mapupula niyang mga labi.. Lahat yun ay gusto ko makita.. 

Araw-araw akong ganito.. Sumisilip sa bintana.. Mag-aantay na siya ay dumungaw.. Kahit sa malayo.. Gusto ko palagi siyang nakikita..

Magkapit-bahay kami.. Magkatapat pa nga mga bahay namin.. Pero hindi tulad ng iba naming kapitbahay.. Hindi kami close.. At lalong hindi kami friends.. Nagpapansinan kami.. Pero hanggang ngiti-ngiti lamang.. 

Hindi siya mahilig lumabas ng kanilang bahay.. Kaya naman ako.. Nasa bahay rin.. Dahil nga gutso ko parati siyang nakikita.. 

Routine ko na ito.. Ang palaging dumungaw sa aking bintana.. Tapos maghihitay na sumilip siya sa bintana niya.. Oo.. Isa akong tagahanga.. Isa nilalang na umiibig sa isang kagaya niya.. 

Pero hindi ko magawang magtapat.. Dahil nga hindi naman kami close.. Pero okay lang.. Dahil masaya ako sa ginagawa ko.. Ang palagiang pagdungaw sa aking bintana.. Masilayan lamang siya.. 

Pero sa araw na ito.. Hindi ko pa siya nakikita.. Hindi ko pa siya nasisilayan.. Ano kayang nangyari? Baka naman tulog pa siya.. O baka naman busy pa lang siya sa gawaing bahay.. 

At dahil wala namang pasok ngyaon.. Matiyaga akong maghihintay sa pagdungaw niya.. Maghihintay ako.. 

Maya-maya ay nakita kong lumabas ng bahay nila ang kuya niya.. Nagawi sa akin ng tingin nito.. Nakita ko rin na lumpait ito sa aming gate..

Pinagbuksan naman siya ni Mama.. Nakita ko ng may iaabot ang kuya niya sa Mama ko.. Isang piraso ng papel.. Umalis din agad ito.. Tila nagmamadali..

Hindi nagtagal.. Narinig ko ang mga katok sa akong silid.. Si Mama pala..

"Pinabibigay daw ni Imma." sabi ni Mama at binigay sa akin ang papel na inabot ng kuya ni Imma..  Para sa akin pala yun.. 

"Salamat po." inabot ko ang sulat at tiningnan ito.. Ano kayang laman nito? Bumaba na rin si Mama.. Pagkasara ko ng pinto.. Nagpunta ulit ako sa may bintana.. Binuksan at binasa ko ang sulat.. 

Zanti, 

          Kapag natanggap mo na ang sulat na ito.. Marahil ay wala na ako.. May gusto lang sana ako sabihin sa'yo.. Alam mo bang may sakit ako? At malala na ito.. Hindi na kaya ng mga gamot.. Isinugod na ako nina Mama sa ospital.. Kaya nga gusto kong malaman  mo ang nararamdaman ko.. Mahal kita, Zanti.. Alam kong palagi mo akong inaabangan na sumilip sa bintana ko.. Alam ko rin na mahal mo ako.. Pero hindi ko lang maintindihan kung bakit hindi mo pa sinasabi sa akin.. Ikaw lang naman ang inaatay ko eh.. Ang torpe-torpe mo naman.. Ang bagal mo.. Bakit hindi ka kumilos? Bakit hindi mo ipagtapat ang damdamin mo? Hayan tuloy.. Nahuli ka na.. Kukunin na ako ni Lord.. Paalam, Zanti.. Mahal kita.. Puntahan mo ako ha.. Dito sa ospital.. 

                                                                                                                                        Imma,

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.. Mahal ako ni Imma.. Mahal niya ako.. Nagasumot ko ang papel na hawak ko.. Agad akong nagtungo sa ospital.. Nadatnan ko sa ospital ang Mama ni Imma at ang kuya niya.. Umiiyak sila.. Nilapitan ko sila.. 

"Tita." sabi ko sa Mama niya.. Tumingin sa akin ang Mama niya.. Tinuro ang isang silid habang umiiyak.. 

Nagpasok ako sa silid.. Nakita ko siya.. Nakahiga sa kama.. Ngunit wala ng buhay.. Dahan-dahan akong lumapit.. Si Imma.. Wala ng buhay.. Hindi na humihinga.. Ang mapupula niya labi.. Ngayon ay putla na.. 

Hindi ko na naman napigilan ang pagtulo ng luha ko.. Wala na siya.. Ang babaeng araw-araw kong nais masilayan.. Ang babaeng mahal na mahal ko.. Ang babaeng bumubuo sa araw ko.. Ngayon ay isa ng malamig na bangkay.. 

Niyakap ko siya.. Kahit hindi ko ramdama ng init ng kanyang katawan.. Umiyak ako ng umiyak habang nakayakap sa kanya.. Hindi ko man lang nasabi ang nararamdaman ko.. Hindi ko man lang nasabi na mahal ko siya.. 

Inalala ko ang mga ginagawa ko noon.. Para lang makita siya.. Lalo lamang iyon nagpaiyak sa akin.. Sana ay nagtapat na ako sa kanya noon pa.. Bakit kasi ang torpe ko? Hindi tuloy niya nalaman mula sa akin n amahla ko siya.. Kung nasabi ko lang sana sa kanya.. Masaya sana ang huling sandali ng kanyang buhay.. 

*end*

A/N: waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhh.. hahaha.. nakapag-update din.. sa wakas.. ahahaha.. salamat po sa babasa.. salamat po.. :)) haha.. tagalog na tagalog ang title ih.. ahaha.. (kring.. sensiya kung ang tagal nung sayo ha..) salamaat.. :)) para naman sayo to nuhyheen.. sensiya kung natagalan.. :)) sana magustuhan mo/ninyo.. :)) thanks.. :))

♥ Sikretong Tagahanga ♥Where stories live. Discover now