Chapter 18: Tears in Heaven

14.8K 555 157
                                    

Hindi ako mapakali. Wag. Wag ngayon. Wag kahit kailan. Mas gusto ko pang mauna na lang mamatay kaysa siya. Ayoko. Ayoko. Kahit hanggang bagong taon . . . o limang taon pa. O kahit habambuhay.

Pakiusap, nanalangin ako, wag Mo muna siyang kunin sa 'kin.

Naiwan ko yung cell phone ko sa bahay, kaya marahil, nag-aalala na yung mga magulang ko sa 'kin. Oo nga pala . . . yung rosas. Kahit man lang 'yon sana ay madala ko sa kanya. Tumawag ako sa bahay gamit yung payphone. Mugto na yung mata ko.

Isang lugar sa utak ko, naisip ko yung sinabi niya dati.

"Ba't mo iiyakan ang taong wala na? Iyakan mo ang taong andiyan pa o yung taong andiyan pa pero alam mong mawawala na. Buti na yung iyakan mo siya na may tiyansang alam niyang may umiiyak dahil sa kanya, kaysa yung iniiyakan mo siya na wala na talagang tiyansang malaman niya kung ga'no siya kahalaga sa 'yo."

Naniniwala ako na hindi pa ngayon . . . hindi ko alam kung bakit. Sobrang sikip ng dibdib ko na inisip kong baka ma-ospital din ako. Kung gano'n nga, sana kuhanin na rin ako kasabay niya.

Hindi. Kailangan niyang mabuhay. Mabubuhay pa siya. Nananalig ako. Nakakakapit ako sa Kanya. Alam kong may oras pa. Meron pa.

Dumating yung pamilya ko sa ospital matapos ang dalawang oras. Dala-dala ng tatay ko yung rosas na nasa bagong lalagyan dahil nabasag yung una. Wala pa rin akong balita dahil nasa emergency room pa rin si Mary.

Sinabi ko kina Mama at Papa yung katotohanan—na siya ang mahal ko, na siya ang gusto kong makasama habambuhay. Naiyak si Mama dahil sa tadhanang nakaabang sa 'kin. Pinauwi ko na sila, ayoko rin naman silang mapagod.

Ngayon lang ako nakapili ng desisyon nang ganito kabilis. Siguro dahil alam kong kailangan ako ni Mary sa tabi niya at biglang magdesisyon siyang iwanan ako at matulog na lang habambuhay.

Umuwi na ang mga magulang ko. Ilang minuto pagkatapos, dumating na yung mama ni Mary, umiiyak, humahagulgol. Kasama niya yung anak niya sa isa pa niyang asawa na kahawig ni Mary. Umiyak na lang ako dahil nakikita ko si Mary sa batang 'yon. Sana hindi pa huli ang lahat.

Tinawag kami ng doktor. Sabi niya, may panahon pa raw, pero hindi talaga namin malalaman kung kailan magdedesisyon si Mary na . . . ayon. Ayoko na banggitin, masyadong masakit. Tinanong na rin ng doktor na magpatawag na kami ng pari. Gusto ko siyang murahin dahil parang sinasabi niyang mamamatay na ang pinakamamahal ko.

Pero nang gagawin ko na 'yon, biglang lumapit sa 'kin yung bata na kapatid ni Mary sa ina. Hinila niya yung T-shirt ko na parang may gusto siyang kunin ko.

"Kuya," sabi niya.

Naiyak na lang ako. Binaba ko muna yung plastic na ang nilalaman ay yung rosas, tapos binuhat ko yung bata. Mukhang lalaki rin siyang mahaba rin at maitim ang buhok.

"Anong pangalan mo?" tanong ko kahit barado na ang ilong ko kakaiyak.

"Maria po."

Maria.

Napatingin ako sa mama ni Mary. Napangiti na lang siya sa 'kin kahit mugto na rin yung mga mata niya. Halata naman kung kanino kinuha yung pangalan ng batang 'to.

Hinalikan ko siya sa noo tapos binaba.

"Ilang taon ka na?" tanong ko.

"Five years old po."

Napangiti ako dahil sa pagiging inosente niya . Sana ganyan din ako kainosente ngayon.

"Bisitahin natin ate mo, gusto mo?" aya ko sa kanya.

A MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon