Chapter 9

83.3K 2K 155
                                    

                                                                   

                                     *****

Paalis na ng campus si Jacob. Maaga niyang tinapos ang meeting ng White Lambs dahil medyo kumukulimlim ang paligid at nagbabanta ang isang malakas na ulan.

Pagkalabas niya ng gate, unti-unti niyang binagalan ang pagmamaneho. Natanaw niya si Miisha sa isang waiting shed na nagkakandahaba-haba ang leeg sa pag-aabang ng masasakyan. Itinabi niya ang kotse at pansamantalang pinanood ang babae.

Rush hour kaya pahirapan sa pagsakay. Nangingintab na ang mukha nito habang maya't mayang napapapunas sa noo. May bitbit pa naman itong apat na malalaking plastic ng grocery items. Napagkasunduan sa meeting na iassign kay Miisha ang pagluluto sa dessert menu para sa kanilang feeding program bukas. She received the hardest assignment bilang kabayaran sa naging pagkakamali niya about the school and office supplies buying incident.

Nakakailang para na ito ng taxi at jeep pero walang humihinto dito. He sighed and rubbed his chin. Pasasakayin niya ba ito o hindi? This girl is slowly getting too much help from him. If he continues to be soft to her baka mahirapan na siyang magdisiplina dito in the future.

Biglang bumuhos ang malakas na ulan.

Dumoble ang panlulumo sa mukha ng babae. In this situation he has no choice but to help her. Pinaandar niya ang kotse at inihinto ito sa harap ni Miisha.

He rolled down the window.

"GET IN!" he shouted.

Agad na nabuhayan ng mukha ang babae pagkakita sa kanya.

"SALAMAT!" ngiting-ngiting sigaw nito.

Sinenyasan siya nitong buksan ang trunk and he obeyed. Binitbit nito ang dalawang plastic ng groceries at inilagay sa likod ng kotse na hindi man lang ininda ang ulan. Lumabas siya ng sasakyan para tumulong. Binitbit niya ang dalawa pang malalaking plastic bag at isinakay ito.

"Salamat naman at napadaan ka! Akala ko abutin pa ako ng hatinggabi dito sa pag-aabang ng sasakyan!" tuwang-tuwang sabi nito habang pinupusan ng panyo ang sarili.

She looked at him at nagulat ito nang mapansing basa rin siya sa ulan. Binuksan nito ang body bag at inilabas ang isang hoodie jacket.

"Pasensiya na ha eto lang kasi ang pwede kong maipunas na malinis," pahayag nito.

Natigilan siya sa pagkabig sa kambyo nang bigla na lang siyang pinunasan ng babae sa ulo at mukha.

"Sana hindi ka na lang lumabas ng kotse. Dapat ako na lang ang nagpaulan tutal ako na rin naman ang unang nabasa," salita nito habang natataranta sa pagpunas sa kanya.

He remained frozen for a moment while she's too comfortable in what she's doing. Tumigil lamang ito sa pagpunas sa kanya nang unti-unti nitong nahalatang naaasiwa siya.

She's A Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon