She's A Bad Girl

341K 4.7K 135
                                    

                                                ♥PARA KAY ALTHEA♥

Si Miisha Avenoja ay isang sophomore fine arts college student. Meron siyang di pangkaraniwang talento sa pagpipinta ngunit sa kabila nito ay madalas pa ring bagsak ang mga grades niya. Dahil ito sa kanyang pagiging rebelde, kawalan ng disiplina, iresponsable at kapabayaan sa pag-aaral. Inilipat siya ng mga magulang sa isang catholic school sa pag-aakalang makakatulong ito sa pagbabago niya. Subalit sa mga unang araw niya pa lang sa bagong kolehiyo, sangkaterbang rules na agad ang kanyang nilabag. Bago ikick-out, binigyan muna siya ng school administration ng pagkakataong manatili kapalit ng pagkakawanggawa. Dahil dito'y napilitan siyang sumapi sa mga charity clubs at organizations. Dito niya nakilala si Jacob Anthony Marcelo, a graduating student na siya ring presidente ng club na sinalihan niya.

Si Jacob ay isang mabait, maunawain, relihiyoso at pasensiyosong lider. Ngunit ang katatagan ng pagiging isang mabuting lider niya ay dumaan sa matinding pagsubok nang maging miyembro nila si Miisha. Sa tanang buhay niya'y noon lamang siya nakatagpo ng taong may sariling rules na sinusunod. Every member wants her out because of her bad attitudes. He wanted to help her para hindi ito makick-out sa school so he kept on giving her a chance in their group. Pero sa kabila ng mga pagkakataong ibinigay niya, wala pa ring nagbago sa pag-uugali nito. Ang huling solusyon na naisip niya'y ang magsaliksik tungkol sa babae at alamin ang dahilan ng kakaibang asal nito. She became his one final goal before he graduates. He wants to bring a person as dark as Miisha to the brighter side of life.

But as he digs deeper into her life, unti-unti siyang napapahiya sa mga maling husga niya sa babae. Natuklasan niya ang katotohanan sa pagkatao nito. He started to understand her behavior and slowly discovered the good side of her heart. Until he realized that she isn't a bad person at all, she's just different.

She's A Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon