LastSection 3 (EDITED)

40.6K 931 116
                                    

Katrina's P.O.V

Nakaupo ako sa study table ng kwarto ko at iniisip ang mga pangyayari kanina. Pinauwi na kami ng Principal dahil masyado na daw kaming na s-stress at naguguluhan sa pangyayari.

Alas otso na ng gabi at hindi parin maalis sa isip ko ang nangyari kanina. Iniisip at iniisip ko parin ang mga pagpatay kila Teacher Tara at Lloyd. Ang daming tanong at konklusyon ang naiisip ko. Sino ang pumatay sa kanila at bakit ito ginawa sa kanila? Ano ang dahilan? Ang fish bowl na binunutan namin ay parang may koneksyon sa pangyayari. Nang makita namin si Lloyd, may nakaukit na 'Uno' sa noo n'ya at ang sabi din ni Ann na mag-ingat si Kristine dahil siya ang nakabunot ng number 2. May koneksyon kaya talaga iyon?

Biglang tumunog ang phone ko. Kinuha ko ito sa lamesa at binuksan ang lock. May nag-message sa akin na galing sa isang unkown number. Pinindot ko ito para buksan.

'Goodluck!'

Goodluck? Para saan? Nagtype ako para magreply.

'Who you? Goodluck saan?'

At pinindot ang send. Inintay kong mag reply ang nag-text kaso sa tagal nito, kinuha ko muna ang bag ko para magbasa ng libro. Pagkabukas ko ng bag may nakita akong itim na letter.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Nagsisimula na naman ako kabahan. Kinuha ko ang letter at bubuksan na sana nang tumunog muli ang phone ko. Kinuha ko ito at binuksan, pipindutin ko na sana ang message pero parang may nakasilip sa akin. Ako lang mag-isa sa bahay dahil si Dad ay nasa ibang bansa para sa business namin at wala ng ibang tao dito sa bahay kundi ako lang.

Unti-unti ay ginagalaw ko ang ulo ko para silipin kung may nakatingin sa akin pero hindi ko na tinuloy. Nakakatakot, hindi ko kaya. Hinayaan ko nalang muna at 'di ko nalang pinansin ang nararamdaman kong kakaiba. Binalik ko na muli ang tingin sa phone ko at pinindot ang message.

'Im watching you :)'

Bigla nanigas ang katawan ko sa nabasa ko. Hindi ko na matago ang kabang tinatago ko. Kaya pala may nararamdaman akong may nagmamasid sa akin kanina. Bigla ako nakarinig nang tunog sa baba na parang may nagsasalita.

Tumayo ako sa upuan at lumakad papunta sa pintuan. Bababa ako para alamin kung ano ang nasa ibaba. Tatanggaling ko muna ang takot na nararamdaman ko. kailangan ko maging matapang dahil walang mangyayari sa akin kung magpapakaduwag ako ngayon.

Lumabas na ako ng kwarto at naglakad ng dahan dahan papuntang hagdanan. Naririnig ko parin ang boses na maliit sa ibaba. Hinanap ko ang switch ng ilaw sa hagdanan. Nanginginig ang mga daliri ko sa pagbukas nito dahil sa kaba. Kinikilabutan na ako kahit gawin kong matapang ang sarili ko. Kinakabahan pa ako lalo dahil sa boses na naririnig ko sa baba.

"I love you, i love you, i love you."

Dahan dahan ako umaapak pababa. Mas lalong lumalakas ang tunog na naririnig ko. Nang makababa ako ay hinanap ko naman ang switch para sa salas. Unti-unting bumubukas ang ilaw at hanggang kumalat ang liwanag sa dilim. Nakita ko ang isang manika na pinanggalingan ng boses na naririnig ko. May nakasaksak na kutsilyo sa likod ng manika. Hindi ko alam kung saan nanggaling ito o bakit may ganito dito. Hindi ko muna inisip yun at kinuha ang manika at tiningnan. May nakasaksak sa likod ng manika na papel na ang nakasulat ay 'Someone'. Kinabahan ako sa nabasa ko pero inalis ko agad ang kaba. Tinanggal ko ang kutsilyo at hindi na 'I love you' ang nadinig ko.

"DIE! hahaha"

Nabitawan ko ang manika sa kamay ko. Kumabog ng sobrang bilis ang puso ko. Hindi ko na talaga mapigilan ang takot ko. Inikot ko ang paningin ko at natuon sa sahig na may bakas ng yapak papunta sa pintuan sa labas. Lumapit ako ng dahan dahan papuntang pintuan at pinihit ang door knob at binuksan ng kaunti ang pintuan. May nakasilip na tao sa gate. Nakamaskara siyang puti at nang magtagpo ang aming mga mata ay dali dali siyang tumalikod at umalis.

Sinarado ko na ang pinto at dali daling tumakbo at pinatay ang ilaw sa salas at sa hagdanan. Pumunta ako sa kwarto at ni lock ko rin ang pintuan ko. Nakatalikod ako sa pintuan na hinihingal.

Grabe na ang nerbyos ko. Pinagpapawisan narin ako ng todo sa kaba. Napatingin ako sa itim na papel sa lamesa. Ang kaninang nakita ko sa bag. Lumapit ako sa study table at umupo. Hawak ko na ang papel, nanginginig ang mga daliri ko sa paghawak dahil sa nerbyos. Dahan dahan ko itong binuksan.

'Hi! Masaya ako at napunta ka sa Section Z. Welcome at mag-enjoy ka kasama namin. Ang kasayahan ay nagsisimula na, enjoy your stay!

-Someone

Ano 'to? Message dahil bago ako? Welcome at mag-enjoy ako habang kasama sila? Nababaliw na ba siya? Bakit n'ya ginagawa 'to? Ang sakit sa ulo. Nakakanerbyos at dagdag kaba lalo ang sulat na to. Hindi ako mapakali.

Nasa Section Z ba sya? Isa siya sa Classmate ko? Argh. Andaming tanong ang bumabagabag sa isip ko at kahit na isa ay hindi masagutan ng kung ano.

Nilagay ko na ang papel sa bag at pinatay ko na ang ilaw sa kwarto. Humiga ako sa kama at binuksan ang lamp shade.

Ano na naman ba 'to? Natatakot na ako. Papatayin ata ako ng kaba at takot sa mga nakikita ko. Kailangan ko na matulog para makapagpahinga, ang aking utak at katawan ay pagod na pagod na. Masyado na akong madaming nakita at nalalaman.

Last Section (Exclusive under Dreame)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon