Chapter 39

40.1K 983 79
                                    

Anne Del Rio

HUMIKAB ako habang kinakaladkad ang Mickey Mouse slippers ko. Alas-tres na ng umaga ako nakatulog. Dalawang oras mahigit lang ang naging tulog ko dahil sa sobrang pag-iisip tungkol sa amin ni Jillian. Pero sanay naman ako sa ganito. Matapang na kape lang ang kailangan ko para magising ang buong sistema ko. 

"Good morning." 

Nagulat na lang ako nong biglang bumukas ang pinto ng sala at ang pumasok ay walang iba kundi si Jillian. Awtomatikong tinakpan ng mga palad ko ang aking mukha at diretso akong pumasok ng banyo kaso hindi ko pa naisasara ang pinto nong hilain niya ako palabas ng pinto.

"Bakit mo tinatakpan ang mukha mo?"

"A-ano kasi....may....may morning breath pa kasi ako. Magmumumog lang ako." 

Ayoko sana siyang kausapin kaso wala akong choice. Inagahan ko na ang paggising para hindi niya ako maabutan na ganito ang itsura ko pero ang aga naman niyang dumating. For some weird reasons, namamaga hindi lang eyelids at eyebags ko kundi pati ang labi ko. Dala siguro ito ng pag-iyak ko. Nagpunta muna ako ng kusina at kinuha ang pitsel ng tubig sa fridge at iyon ang ginamit kong panghilamos. 

"Grabe ang lamig!" halos isigaw ko nong maramdaman ng balat ko ang halos nagyeyelong tubig na laman ng pitsel.

"Ibuhos mo ba naman ang malamig na tubig sa mukha mo." kumento ni Jillian saka siya lumapit sa akin at kinuha ang panyo niya sa bulsa saka tinuyo ang mukha ko.

Nahalata kaya niya ang pamamaga ng mukha ko? Sa pagkakaalam ko, karamihan naman ng tao may nagaganap na slight change sa mukha kapag bagong gising. Pero itong mukha ko parang malala ang tinamo niyang pamamaga. 

"Wag mo ng uulitin yong ginawa mo nong nakaraang gabi, naintindihan mo?"

Tanging tango lang ang naging tugon ko sa kanya habang idinadampi niya yong panyo sa pisngi ko.

"Wag mo akong pinag-aalala dahil halos ikabaliw ko nong makita kong wala ka dito sa apartment mo...." 

Yumuko ako pero inangat ni Jillian ang mukha ko gamit ang daliri niya at nong magtagpo ang mga tingin naming dalawa agad niya akong hinalikan, masuyo at parang ayaw niya akong masaktan.

Iyon ang ipinapahiwatig ng mga halik niya, napakasarap sa pakiramdam pero hanggang kailan kaya niya ako aalagaan gaya ng ginagawa niya ngayon?

Hanggang kailan siya lalaban para sa pagmamahalan naming dalawa?  

Ang daming tanong na nabubuo sa isip ko at nong humiwalay na ang labi niya sa labi ko mabilis na akong naghanda para sa pagpasok sa school.

Hindi ko halos kinakausap si Jillian at ganon din siya sa akin. Para tuloy kaming hindi magkakilala, isinusuot ko na ang sapatos ko nong lumuhod siya sa haraapan ko at tinulungan niya ako sa pagsuot non sa paa ko.

Hindi ako umiimik, nakatingin lang ako sa paa ko pero ang mga mata ni Jillian ay direktang nakatitig sa mukha ko. 

"Pagkatapos ng klase mag-usap tayo."

Tumango lang ulit ako sa sinabi niya.

Hindi ko alam kung bakit parang masyado akong kinakabahan. Hindi matanggal sa isip ko na baka sasabihin na niyang aalis siya, hihiwalayan niya ako o kung ano pa. Pero kung iiwan din lang niya ako parang gusto ko na lang mamatay.

NO! Masyado pa akong bata para mamatay! 

Pero paano ako pag iniwan niya? 

"Halika na, sa canteen na tayo magbreakfast."

Magkasama kaming nagtungo ng Campus, pagpadating namin naabutan namin si Jo na naghihintay sa amin.

"Nasaan si Jean?" tanong ni Jillian kay Jo. 

Flares of Dawn | Jillian Fuentes Book 2 (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon