CHAPTER 2

682 7 4
                                    

ANGEL ON FIRE

by rj Nuevas

 

CHAPTER TWO

 

Nanginig ang tuhod niya. Hindi niya alam kung dahil sa pagkakahuli sa kanya ng lalaki na naninilip siya sa ginagawa ng mga ito. O dahil sa biglang ngumiti sa kanya ang lalaki.

            Kumabog ang dibdib niya.

            Umatras siya. Sabay takbo palabas ng C.R. At kung hindi siya nakahanap nang makakapitan ay siguradong matutumba siya dahil nanginginig pa rin ang mga tuhod niya. Huminga siya nang malalim, kinompose ang sarili, saka humakbang. Kailangan niyang umalis doon, dahil baka lumabas ang lalaki at makita siya ulit.

            Nakakahiya. Nahuli siyang naninilip. Wala siyang karapatang manood.

            Pero wala ring karapatan ang dalawang yon na gawin ang ginagawa nila sa public C.R.

            Umalis na siya sa building na iyon sa Ortigas. Sumakay sa taxi at nagpahatid sa dorm niya sa tapat ng U.S.T.

            Pero habang nasa taxi siya, kinakabog pa rin ang dibdib niya. What an experience!

            Pagdating niya sa dorm, nagbihis na siya, naghilamos, saka nahiga sa kama. Parang may humahabol sa kanya na kung ano, na kailangan iyang tumakas, na ang kama lang niya ang safest place in the world.

            Hindi maalis sa isip niya ang nakita niya. Ang babaeng iyon. Ang lalaking iyon. Ang ungol ng babae. Ang ginagawa ng lalaki. Ang paghawak nito sa boobs ng babae. Ang pagpisil sa nipple nito. Ang pagtanggal nito sa panty ng babae. Ang pagtulak ng babae sa ulo ng lalaki pababa. Papunta doon sa…sa…

            Ni hindi niya maituloy. She’s a virgin, for God’s sake! Hindi pa niya nae-experience iyon. At pati ang ari niya…ang ari ng babae…ni hindi niya matawag sa pangalan nito. Ang tawag niya roon ay ari niya…or pag nag-uusap sila ng mga kaibigan niya noong high school, naririnig niyang ang tawag ng mga kaibigan niya roon ay pechay.

            Gano’n siya kainosente.

            Pero ngayon, hindi maalis sa isip niya ang eksenang iyon. Noong high school siya, yung mga barkada niyang babae, nakakuha ng pirated cd ng isang video scandal. Pinanood nila iyon out of curiosity. At nagtitilian sila sa napanood nila. Pero pagkatapos niyon ay tapos na. Hindi nagtagal sa isip niya ang napanood niya.

            Bakit ngayon, bakit ayaw maalis ng nakita niya sa kanyang isip. Nakadikit. Nakatatak.

            At bakit ganito ang pakiramdam niya…para siyang lalagnatin? Mainit ang pakiramdam niya.

            Binuksan niya ang electric fan at itinutok niya sa kama. At nahiga siya ulit.    

Ipinkit niya ang mga mata niya. Pinilit niyang kalimutan ang nakita. Para makatulog.

            Pero paulit-ulit na nagbabalik sa isip niya ang nasaksihan. At may mga bagong information. Ang babae, nakapikit, nakakagat-labi. Pero kahit kagat nito ang labi, may lumabas na ungol. At ang kamay ng babae, nakalamukos sa mahabang buhok ng lalaki. At ang lalaki, kahit nakaluhod na sa harap ng babae, nasa itaas pa rin ang kamay. Nasa boobs ng babae. Nilalapirot ang utong nito.

            At muli, napatingin sa kanya ang lalaki.

            Doon siya parati natatapos. Sa nakatingin sa kanya ang lalaki. Sa malalim nitong mata na mahaba ang malalantik na pilik-mata. Paano siya matutulog kung ang feeling niya ay nakatingin sa kanya ang lalaki?

ANGEL ON FIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon