CHAPTER 1

825 16 5
                                    

ANGEL ON FIRE

by RJ NUEVAS

 

CHAPTER ONE

Sabi nila, ang tao raw, may sixth sense; an extra sensory power where you can feel certain things. Hindi lang daw developed ang sa karamihan. Kailangan lang daw idevelop. Sana, yung ESP niya, developed. Para naramdaman niya, nalaman niya, ang impending doom noong dumating sa buhay niya. Para nakaiwas pa siya.

            Kung babalikan niya ang buhay niya, alam niya exactly when her peaceful life changed for the worst. When she changed from that of being an angel to a Slut with a capital S.

            Kung may ESP lang siya, kung nalaman lang niya na mababago ang buhay niya, sana ay hindi na siya nagpunta sa party na iyon.

            “Sama ka na, Angel. Sige na,” yaya ni Cathy sa kanya, dorm mate niya. Maganda si Cathy, sexy. At nineteen, she exudes sexuality talaga. Malaki ang boobs niya, at madalas niyang ipagmalaki na tayung-tayo iyon. Maliit din ang bewang nito na mine-maintain nito by not consuming carbs. Tuwing umaga rin, kung anu-anong yoga poses ang ginagawa nito para lean talaga ang muscles niya. Marami silang  classmates ang may crush dito. Pero hidni iyon pinapansin ni Cathy, dahil ang sabi nito, ang gusto niyang mapangasawa ay may edad na at mayaman. Dagdag pa nito, sa ganda at sexy nito, she deserves someone rich.

            Madalas itong umattend ng mga parties where she can meet rich men. At isa yung party na iyon kung saan siya niyayaya ni Cathy. Rooftop party raw sa Ortigas. “For all you know, doon ka rin makakita ng rich guy,” dagdag pa ni Cathy to sweeten the deal.

            Pero hindi siya naghahanap ng rich guy. Hindi niya nakikita ang sarili niya na maganda at sexy na deserving of a rich guy. Simpleng dalaga lang siya galing sa Tanawan, Batangas na nag-aaral ng Tourism sa U.S.T. Kumuha siya ng Tourism dahil gusto niyang maging flight attendant sa isang international airline. Gusto niyang kumita ng dollars  para makatulong sa family niya. Unlike Cathy na kumuha ng Tourism para makapagtrabaho sa hotels or resorts para makakilala talaga ng rich guys.

            “That’s where you meet them, dahling,” sabi pa ni Cathy na laging nagi-english in a dramatic way.

            “Hindi ako puwede tonight,” sabi niya kay Cathy. “Lalabas kami ni Rowell.”

            Napailing na lang si Cathy. “I dunno kung bakit sinasayang mo ang oras mo diyan kay Rowell, Angel. Wala kang mapapala sa kanya.”

            Never itinago ni Cathy ang disapproval nito sa boyfriend niya. Mahirap lang kasi si Rowell, kumukuha ng HRM sa FEU. “Ni walang mataas na pangarap. Okay na sa kanya maging manager ng isang restaurant,” pahabol pa ni Cathy.

            Pero mahal niya si Rowell. Mabait kasi ito. At gentleman. Mag-iisang taon na niya itong boyfriend pero hanggang ngayon ay wala pang nangyayari sa kanila. Iginagalang kasi siya ni Rowell, at ayaw makabuntis. Gustong makatapos muna ng college. At hanga siya doon. Dahil iyon din ang gusto niya.

            “Huwag mo namang insultuhin ang boyfriend ko,” sabi niya kay Cathy.

            “Okay, sorry,” sabi na lang ni Cathy. Hindi na siya nito kinulit. Pumasok na sa banyo para maligo.

            Pero nag-text sa kanya si Rowell, nagpapaumanhin. Hindi raw siya pinayagang umalis ng boss niya dahil maraming absent na crew that night. Nagtatrabaho si Rowell as service crew sa Jollibee para pandagdag sa allowance nito. Umokey na rin siya dahil manonood lang naman sila ng sine. Sayang pa yung ipambabayad nila sa sine.

ANGEL ON FIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon