[SHORT STORY] White Polo

100 1 5
                                    

Tumingin ako sa kaliwa. Tumingin ako sa kanan. Mukha akong stalker, dahil nagtatago ako sa likod ng isang puno sa soccer field ng school namin. Ilang minuto na lang kasi, darating na ang boyfriend kong si Rico.

At ilang minuto na lang, maaabutan na niya akong marumi. Madungis. Yuck. >___<

Well, 'di naman niya ako masisisi. Masyadong active ang PE na kinuha ko. Kaya eto ako, parang gusgusing bata. May putik sa damit ko, 'yung sapatos kong kulay blue, brown na ngayon. Pawis na pawis pa ako at ang buhok ko...ayoko na lang i-describe.

Ang masaklap pa, oo, pwede pa akong magpalit ng damit. Kaso sabi ni Rico, 'wag na raw akong umalis sa kinatatayuan ko. Sasamahan na lang daw niya ako mamaya papunta sa restroom.

...Siyempre sa labas lang siya maghihintay habang nagbibihis ako. Psh.

Natigil ako sa pagmumuni-muni nang makarinig ako ng busina malapit sa kinatatayuan ko. Si Rico, nandito na. At naka-smirk siya. Lagi niyang ginagawa 'yan kapag nakikita niya akong may ginagawang na hindi normal, tulad ng pagtago sa likod ng mga puno.

Kumaway siya sa akin at tinuro ang kotse niya. Pumasok na raw ako.

Umiling ako. Buti na lang naka-park ang kotse niya sa parking lot sa tabi ng isang building. Kung magtatagal man itong mini-charades namin, okay lang.

Napalitan ang smirk niya ng pagkalito. At nangyari na ang pinakaayaw kong mangyari (pero ine-expect ko naman): lumabas na siya sa kotse niya.

Takbuhan ko kaya 'to?

Joke, baka magalit pa.

Pero nang makalapit na siya sa akin, humakbang ako palayo.

"Hanggang diyan ka na lang!" sabi ko, habang nanghihinayang kong tiningnan ang puting-puti niyang polo.

"What?" tanong niya. Humakbang siya palapit, at humakbang naman ako palayo.

"What the hell? Ally, seryoso ka ba?" tanong ulit niya.

"Oo, seryoso ako." Humakbang siya ulit at 'di ko na napigilang mag-panic. "'Wag ka sabing lalapit eh! Kulit!"

Napataas niya ang kilay niya sa sinabi kong iyon. At nag-smirk na naman siya. Jusko.

"Ally, I'm not your rapist," sabi niya.

"What? Hindi nga! Ano ka ba?" agad kong sagot. Naramdaman kong namula ang pisngi ko, pero 'di na pinansin 'yun.

"'Wag ka na kasing lumapit, ang dungis ko---AAAAH!" Napasigaw ako nang makita ko siyang tumakbo papunta sa'kin. Sinubukan kong tumakbo palayo pero nahuli na niya ako at niyakap niya ako. Lalo lang akong nag-panic at namula.

"Grabe, bawal na ba kitang i-hug kapag nagkikita tayo?" tanong niya. Kahit pa gusto kong niyayakap niya ako, isang malaking tulak ang sinagot ko.

"Oh my god!" sigaw ko, sabay turo sa polo niya, na ngayon ay madumi na.

"Ha? Oh."

"...Oh."

Ilang segundo rin naming tiningnan nang tahimik ang madumi na niyang polo bago siya magsalita.

"Oh well. Okay lang. May extra naman akong damit na tinatago palagi sa car. You know, just in case. What are you doing?"

Hindi ko muna sinagot ang tanong niya. Binuksan ko ang bag ko at nagsimula akong magkalkal. Kailangan ko ng tissue, gahd! Para kahit papaano mapunasan ang shirt ni Rico bago kami umalis.

Pero binigo ako ng bag ko. Wala akong nakitang tissue.

"Uy, so---oh my god." Hindi ko na napigilang manlaki ang mga mata ko.

Tinanggal na ni Rico ang polo niya. Isang medyo hapit na T-shirt ang undershirt niya. Nakakalula tingnan, lalo na 'yung bandang nasa dibdib at balikat niya.

"Stop staring. For your eyes only lang naman ako, 'di ako mawawala," sabi niya. Natatawa siyang inakbayan ako at nagsimula na kaming maglakad papunta sa kotse niya.

"Wait."

Pinigilan ako ni Rico sa paglalakad.

"Bakit?" tanong ko.

"Gets ko na!" sabi niya.

"Ha?"

Humarap siya sa akin. "Kaya ayaw mo akong palapitin kanina, kasi iniisip mo na madudumihan mo ang polo ko, 'no?"

Tiningnan ko siya ng masama. "WOW HA! Salamat, ngayon mo lang na-gets. Congrats!" Natatawa ko siyang inirapan. Ang kulit!

Bigla niyang hinawakan ang kamay ko, na naging dahilan ng pagtigil ko sa pagtawa.

"Ally."

"Rico?"

"Just so you know, no matter how you look every day, you're still the most beautiful girl for me." And with that, hinalikan niya ako sa noo.

Haaay nako. Hinayaan ko na lang na siya ang mag-lead ng daan papunta sa kotse niya. Urmph.

-END

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 23, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

[SHORT STORY] White PoloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon