chapter 2

9.2K 113 3
                                    

Inaantok na talaga ako nang makarating ako, este kami pala nitong kasama ko sa hotel reservation na inilaan para sakin ng mga ikakasal.

Dito rin sa hotel na ito gaganapin ang reception ng kasal.

Nahahapo agad akong sumalampak sa kama pagkapasok ko ng hotel room ko.

"Anong ginagawa natin dito?"

Pagod akong napadilat at napatingin sa nagrereklamong kasama ko.

"Maghahoneymoon? Gusto mo?"  inis kong sagot dito.

Pagod ako sa byahe kaya please lang, ..may trabaho pa ako mamayang 9am.

" Hahanapin pa natin si Sheena!"  naiinis nitong sabi.

Inaantok ko na lang na niyakap ang malambot na unan at binalewala ang sinabi ni Mico.

"Hoy Kulot! Wag mo akong tulugan!! Samahan mo muna akong hanapin si Sheena,"  pangungulit nito at niyugyog pa ako.

Nanlilisik ang mga matang bumalikwas ako ng bangon.

" Piste! Sheena na naman!! Kung gusto mo hanapin ang Sheena mo, maghanap kang mag-isa! Mahal ang oras ko kaya don't disturb me!" nanggigigil kong asik sa kanya.

"Mayaman ako Kulot! Kaya kong bayaran ang oras mo!" salubong ang kilay nitong sabi.

" E di, wow! Pero, maghanap ka pa ring mag-isa!" nandidilat kong singhal.

Babalik na sana ako sa paghiga  pero mabilis niya akong pinigilan.

"Kulot! Samahan mo na akong hanapin siya. Buntis siya Kulot at nag-iisa lang siya."

Parang gusto kong maawa sa nagsusumamong mukha ni Mico.

Naiinis na ako sa Sheena  na iyon! Sino ba siya at pinahihirapan niya ng ganito ang sinto-sintong lalaking ito.

"Pag di mo ako sasamahan, aalis akong mag-isa," madilim ang mukhang banta nito.

Napakurap ako sa bilis ng pagbago ng emosyon niya. May samting nga talaga.

Pinaikot ko na lang ang mga mata ako at walang babalang kinabig ang batok niya palapit sa akin para tuluyang maglapat ang mga labi namin.

Damn! Ako iyong nanghalik pero ako pa iyong nagulat sa rumaragasang sensasyong biglang lumukob sa akin.

I have kissed some men before but the feeling while kissing Mico is way more different. Different in a good way.

He is not my first kiss but this is the first time na parang ayaw ko nang matapos ang paglalapat ng mga labi namin.

Naglapat pa nga lang at di pa gumalaw ang mga labi namin pero bolta-boltaheng kiliti at sensasyon na ang dulot nito.

Napaungol ako nang tuluyan ko nang igalaw ang mga labi ko. Si Mico ang may pinakamalambot na labing nahalikan ko, at pinakamasarap.

Para yatang nagulat si Mico sa ginawa ko dahil nagpapaubaya lang ito sa halik ko at sinamantala ko naman iyon.

" Matutulog muna tayo, okay? Huwag mo muna akong istorbohin,"  mahinahon kong sabi sa nakatulalang si Mico matapos ko siya halikan.

"O-kay,"  wala sa sariling usal nito habang nakatutok ang mga mata sa labi ko.

Napangiti ako dahil sa wakas, may napagkasunduan na kami. Halik lang pala ang katapat ng lalaking ito. Araw-arawin ko ngang gawin ito, masarap eh.

Hihiga na sana ako para muling matulog pero agad akong napigilan ni Mico at siniil ng mariing halik.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sobrang galing dumala ng laplapan ng lalaking ito.

Kulot is LOVEWhere stories live. Discover now