chapter 1

13.8K 153 15
                                    

"Georgina Santillan! I'm giving you an ultimatum! Within this year at wala ka pang ipakilalang mapapangasawa sa akin ay mapipilitan akong ipakasal ka kay Macario sa ayaw at sa gusto mo!"

Feeling ko binabangungot ako nang gising kasi patuloy na umalingawngaw sa isipan ko ang galit na boses ni Lolo Daniel.

Nanggigigil ako tuwing maalala ko ang pagmumukha ni Macario kaya napapahigpit ang hawak ko sa manibela ng sasakyan ko

Papunta ako ngayon sa isang wedding event dahil kinuha akong photographer.

Bukas pa naman iyong kasal kaya ngayon ako bumiyahe para maiwasan ang traffic sa araw.

Sa tingin ko mag-aalas onse na ng gabi. May isang oras pa ako magbyahe.

Kaya habang nasa daan ay di ko maiwasang isipin ang huli naming usapan ni Lolo Daniel.

Mula nang maulila ako sa murang edad ay ito na ang nag-aruga sa akin kaya malaki ang utang na loob ko sa kanya at mahal na mahal ko ang mala-Hitler na matandang iyon kahit di kami magkasundo.

Daddy siya ng Papa ko at siya na lang ang naiwang kamag-anak ko sa father side.

Sa mother side naman, well..nevermind! Mga tagasinaunang panahon ang mga iyon kaya kulot ang mga utak.

Sabihan ba naman akong salot dahil sa kulot kong buhok! How dare them! Sa ganda kong ito?

Tanging si Lolo Daniel lang talaga ang tumanggap at nagmahal sa akin kahit kulot ako. Ang laking issue ng pagiging kulot ko noh?

Kasi naman ganito iyon, di nila masabi kung saan ko namana itong kulot kong buhok kasi lahat ng mga kamag-anak ko sa father at mother side ay puro pang-commercial sa shampoo ang tuwid na tuwid na mga buhok.

Kaya noong biglang nagkaroon sila ng kamag-anak na kulot which is me ay lagi na nila akong tampulan ng panunukso.

Pero wala naman akong pakialam sa ibang mga kamag-anak ko kasi tanging si Lolo Daniel lang mahalaga sa akin.

Pero nang dahil sa Macario na pangit na iyon ay mukhang itatakwil ko na bilang Lolo si Lolo Daniel.

Isipin mo, sa ganda kong ito ipapakasal ako sa lalaking parang lumpia na binabad sa harina?

I cannot accept it! Kailangan kong makahanap ng mapapangasawa, ASAP!

Pero saan naman ako maghahanap? Isa akong freelance photographer at full time chismosa, I mean columnist ako sa isang local men's magazine.

Pinag-iinitan na akong mag-asawa agad-agad ni Lolo para daw may mamahala na sa negosyo namin kasi nga daw di niya ako nakitaan ng potential na susunod na sa mga yapak niya at pamahalaan ang Sanz Bus Company.

E, bakit kailangan ko pang mag-asawa? Mag-hire na lang kaya siya ng mamahala doon.

Ayaw din niya kasi gusto niya kapamilya din ang humawak doon sa negosyo niya. E, bakit di niya ampunin si Macario kaysa ipakasal sa akin?

Okay lang sakin magkaroon ng pangit na kamag-anak kaysa pangit na mapangasawa.

Di naman ako mapanlait na tao pero di ko lang talaga feel ang pagmumukha ng Macario na iyon.

Okay lang sana kung di ka nga gwapo pero mabait ka pero ang kaso ni Macario, di na nga siya gwapo pero kung makaasta feeling heartthrob ang gago!

Laklakin man niya lahat ng gluta at puputi pati mata niya ay di pa rin naman maitatago ang maitim na budhi niya.

Kulot is LOVEWhere stories live. Discover now