Part 35

18 0 0
                                    

2 weeks later



Maaga akong gumising ngayon,dahil monday ngayon at hindi ko trip ang ma late, well nandito parin ako sa mansion, at nasa ospital parin si Papa ayon kasi sa doctor,dapat pa siyang obserbahan buti nalang at unti unti na siyang gumagaling. Pagkatapos kong mag-bihis agad agad akong lumabas, nakita ko si Kyle na kumakain sa kosina at kagaya ng nakagawian ko hindi ko siya pinansin mas maganda sigurong sabihin na ininda kong hindi siya pansinin.




Pinipigilan ko, pinipigilan kong hindi siya mahalin, pero palagi talaga akong tinatraydor ng puso ko sarap ngang kunin ehh, sarap e patanggal. Nagsimula eto nong aksidente kong narinig ang pag-uusap ni Kyle at Angel sa cellphone.Papunta na ako sa kwarto ko non, ng mapansin ko ang pigura ni Kyle sa isang kwarto na malapit lang sa akin,dun ko pa nga nalamang magkatabi pala kami ng kwarto.




"Ano bang kailangan mo sa akin?diba sinabi ko na sayong huwag mo na akong kausapin?" iritabling sabi ni Kyle,halatang nagagalit siya.

"Eto na yung last na pag-uusap natin dahil ikakasal na ako." pa sigaw na sabi ni Angel, na kahit hindi ni loud speaker narinig ko parin. Na siyang ikinagulat ko pero iba ang expression ni Kyle, akala ko magagalit siya sa sinabi ni Angel, pero sa halip ang isang malaking ngiti ang nasilayan ko sa mukha niya.

"Talaga!?ang ganda nga ng balitang yan, huwag mo akong kalimutang imbitahan ha!!." pabirong sabi ni Kyle




"Sure,oh siya sige baba ko nato,bye bye Kyle."

"bye Angel,buti at nakahanap ka na rin." at saka pa niya binaba ang phone niya, while ako naman agad na tumakbo papuntang kwarto ko.

Simula non, palagi ko na siyang iniiwasan, Bakit?Dahil takot ako, takot ako na mahulog ulit, pero ang tanga ko lang ano!? takot akong mahulog sa kanya pero in the first place nahulog na pala ako. Galit ako sa sarili ko, kasi agad agad kong sinuko ang pagmamahal ko sa kanya noon, ng dahil lang sa nakita ko silang masayang magkasama ni Angel. Nakakainis lang talaga, ang gulo gulo ng maliit kong buhay.




"Oh iha,gising kana pala,sabayan mo na si Sir Kyle na kumain." masayang sabi ni Lola,ba't parang makahulugan yang ngiti niya!?

"ahh hindi na po, busog pa naman ako ehh.nag midnight snack po kasi ako,sige po alis nako bye." Wow galing ahh,midnight snack!?Asan ko naman yun napulot?Agad akong umalis sa kusina,pero bago pa ako makalabas sa mansion,may biglang humawak sa braso ko,kaya napatingin ako sa gumawa non.




And there he is,hawak ang kamay ko,at galit na nakatingin sa akin.

"Kahit na nag midnight snack ka pa,magugutom ka parin." sabi niya at saka pahablot akong pinasakay sa magara niyang sasakyan. Pero sa halip na dumiritso kami sa school, pumunta kami sa isang coffee shop, yung coffee shop na malapit sa ospital kong asan naroon si Papa.

Bumaba siya at ako bumaba rin, and kinaladkad na naman niya ako, papasok ron at agad nakakuha ng attention, most of the girls ofcourse nakatingin sa kanya, hindi ko sila masisisi, Pero kukunin ko yang mga mata nilapag hindi sila tumigil. Binigyan ko sila ng 'look-at-him-and-your-dead' look, buti ng malaman nila na private property eto.

The Greatest Gift I haveWhere stories live. Discover now