Part 30

23 1 0
                                    

8:00 PM na,still wala paring lumalabas galing sa loob.Kaya nag desisyon akong maglakad lakad
muna,pinayagan naman ako ni mama.Lakad lang ako ng lakad,hindi alam kong saan
pupunta,hanggang sa dalhin ako ng mga paa ko sa isang maliit na chapel dito sa ospital.

Agad akong pumasok,at umupo sa isa sa mga upuan don,ipinikit ang aking mga mata at taimtim na humiling sa tao sa taas na Ayoko,ayokong mawala siya,pakiusap huwag niyo po munang kunin siya,pakiusap,kailangang kailangan po namin siya.Yun lang,yun lang ang mga katagang gusto
kong sabihin sa kanya,dahil alam ko kahit na hindi ko sabihin,alam niya,alam niyang kailangan ko
siya at kailangan ko rin ang papa ko.

Pagkatapos kong magdasal,bumalik na ako kay mama,habang papunta ako ron,nakita kong may kausap siyang...

O______O

Doctor.Agad akong tumakbo papunta sa direksyon nila.Pagkarating ko,agad akong niyakap ni
mama at ngumiti sa akin ang doctor saka umalis.Ibinaling ko ang attention ko sa umiiyak ko na
namang ina.Hindi na talaga siya nagsawa.

"Ma,anong sinabi ng doctor?" Tanong ko
"Ligtas...na....ang....papa.....mo.."Sagot niya

 Parang bigla akong nabunutan ng tinik,ang dali niya makarinig.

Salamat.Alam kong dininig niya ang hiling ko.buti naman at hindi pa siya nagsasawa sa
akin.nakahinga ako ng maluwag ng sinabihan kami na pwede nang pumasok,nakita ko si
papa,nakahiga siya sa kama,maraming naka kabit sa katawan niya,buti nalang at ganon parin ang
mukha niya,at pansin ko rin ang oxygen na naka kabit sa kanya.Lumapit ako sa kanya at hinawakan
ang kamay niya,silently saying to him.

'Papa lumaban ka.' at saka ako umupo sa couch,nanghihina ang mga binti ko,siguro dahil to sa
sobrang kaba at pag-aalala ko kanina.naka uniform parin ako.Napansin siguro ni mama na
sobrang napapagod na ako,kong kaya't sinabi niyang
"Matulog ka nalang jan,Cha." agad naman akong humiga,pagod ako,wala akong kain,ni
hindi ko na nga hinubad ang sapatos ko,I'm tired physically,mentally and emotionally isa lang ang gusto ko ngayon,at yun ang matulog.Matulog ng mahimbing.

----------------------------------------

Nagising ako dahil sa sinag ng araw.Kaya hinay hinay akong bumangon,at saka lumingon kong saan nakahiga si papa,and to my surprise,ay ngiti niya ang bumungad sa akin.Gising na siya.
"Pa!" sabi ko at saka niyakap siya.Thank you,Thank you,Thank you.Gusto kong palaging sabihin
ang mga salitang yun sa taong nasa taas,didinig niya talaga ang dasal ko.
"Pa anong pakiramdam mo?" tanong ko ng kumawala na ako sa pagkakayakap niya.Si mama
naman,nasa kabilang side lang,binabalatan ang Apple,para kay papa.

"Medyo okay na." sabi niya,na siyang mas nagpangiti sa akin.
"Cha,sabi ng doctor,kailangan pa ng papa mong mag stay rito ng ilang araw,para ma check ang
vital signs niya,kaya gusto ko sanang kunin mo yung mga damit niya sa bahay at dalhin mo rito."
"Opo,sige pa,aalis na muna ako,hindi rin kasi ako naka pagbihis ehh." saka ako umalis.

Habang naglalakad ako palabas sa hospital,nahagip ng mga mata ko ang dalawang pigura na
nakaupo isa sa mga table sa isang coffee shop na malapit lang sa ospital.Parang familiar,parang
nakita ko na ang ganyang postura ng katawan.Kaya nag desisyun akong huminto muna sa
paglalakad at saka taimtim na pinag mamasdan ang dalawang masaya na naguusap.

Hanggang sa lumabas silang dalawa,ayokong maka sira sa kanilang masayang pag-uusap,pero 
may isang bahagi ng utak ko na gustong makita ang mga mukha nila,gustong marinig ang pinag-uusapan nila,baliw na siguro ako.Pero sa di malamang kadahilanan sinundan ko sila,ang weird ko talaga,pumunta sila sa isang park,hindi ko nga alam kong anong park eto ehh.

Nakita ko silang bumili ng Ice Cream,tapos bumili yung lalake ng isang heart na lubo at ibinigay
niya don sa babae.Tae,parang stalker ako nito ahhh,kailangan kong makita ang mga mukha
nila,na curious na talaga ako ehh.Kaya naman umikot ako sa park,sa kabilang bahagi ako
pumunta sa bahagi kong saan sila nakaharap,pero nagtago parin ako sa mga puno,para naman
hindi nila ako makita.

Ng masiguro kong hindi talaga nila ako makikita,dumungaw na ako,pero sana hindi ko nalang yun ginawa,sana hindi nalang ako na curious,sana hindi ko nalang sila pinansin on the first place.Alam niyo kong sino?Si Angel at si Kyle lang naman.Ang saya nilang dalawa ano?Pero sa di malamang kadahilanan biglang nag flashback sa akin ang sinabi ni Steven nong gabi ng ball na nag-aaway silang dalawa ni Kyle.

"Alam kong wala kang seniseryoso sa buhay mo." yun ang mga katagang sinabi ni Steven,ibig sabihin ba lahat na ginawa niya,biro lang yun?yung paghawak niya sa kamay ko,yung pagsagot
niya sa tanong ng teacher naminng dahil lang sa akin,at yung pagsabi niya ng I love you,lahat ng
yun ba ang puro lang biro? How can I trust him that easily?ahh alam ko na dahil gusto ko
siya,gusto ko siya kong kayat hinayaan ko ang sarili kong maniwala sa lahat ng kalokohang
ginagawa niya,wow hindi lang ako tanga,gaga rin pala.Stupid,Foolish human being ever existed on
earth.

What the hell!Ayoko na,pagod na pagod na ako sa mga ganito.

diba sinabi ko naman na hindi na ako dapat masaktan,pero kainis kasi yang word na umasa at paasa ehh,umasa kasi akong may gusto talaga siya sa akin,umasa akong mahal niya talaga ako na gagawin niya lahat maipaglaban lang ako,pero sa tingin ko hanggang asa lang yun kasi kahit na kailan,hindi naman talaga umibig sa akin ang isang Kyle Sean Santos.I'm just a toy for him,ang
laruan na pwede niyang ihagis kong ayaw na niya,pwedeng palitan kong sawa na siya.

What is it called when your crush has a crush on you?
                              IMAGINATION

 Dapat siguro itatak ko yun sa kukute ko.

Pero paano kong ang laruan na yun paglaruan siya?,may magagawa kaya siya!?hahaha
No,kong kaya niya akong paglaruan,pwes kaya ko rin.Ayoko na sayo Kyle,pagod na pagod na ako sayo,paalam.Pero hindi pa to tapos,kong kaya mong makipaglaro sa laruan mo,kaya rin ng laruan mong makipaglaro sayo.

humanda ka Kyle.Hindi ko na palalampasin pa ang ginawa mo.

LET THE GAME BEGIN!!!

The Greatest Gift I haveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon