Entry 1: NearGroup

8 2 0
                                    

AmbassadorsPH

"MAMAMASKO PO!"

Bumuntong hininga muna ako bago tumayo't kumuha ng singkwenta sa aking bulsa saka ito binigay sa mga maliliit na bata sa harap ng gate. Kahit kailan talaga, ginawa na nilang rason ang pasko para makapanghingi ng pera. Pero sige na nga lang, Christmas is all about giving and sharing din naman.

"Pang ilan na 'yon, Elizabeth? Aba, hinay hinay sa pamimigay ng pera, baka naman hindi na 'yan umabot ng New Year," sabi ni Tita Alys habang kumakain katabi si Lola Betty.

"Hayaan mo na, Alys. Saan naman kasi niya gagastusin iyang sandamakmak na pera, wala naman siyang nobyo," natatawang sabi ni Lola Betty.

"Hay nako, Lola, ako na naman ang nakita mo," ngisi ko sa kanya. "Hayaan mo, bago mag New Year, may maipapakilala rin akong nobyo sa inyo."

ANIM NA araw bago mag New Year, tinutukso pa rin ako nila Lola at Tita. Tanong nang tanong kung nasaan na raw ang ipapakilala ko. Hay nako naman kasi, Elizabeth, bakit mo pa pinatulan ang panunukso ng mga matatanda. 'Eto tuloy ako ngayon, nanghihingi ng tulong at opinyon sa aking mga kaibigan.

"Bakit ba kasi wala ka ngang boyfriend? Maganda ka naman, may stable na trabaho, wala namang kulang sayo," pampalubag loob na sabi ni Shane.

"Malapit ka nang mawala sa kalendaryo, Elizabeth," paalala naman ni Jesyll. "Mabuti kung makakahanap ka pa."

"Napaka nega niyo naman mag-isip!" reklamo ni Hetzie. "Alam niyo, madali lang naman humanap ng boyfriend ngayon. Napakadami na ng mga dating apps, isang click mo lang, may jowa ka na."

Napatigil ako sa pag-inom ng juice nang marinig ko ang sinabi ni Hetzie. Kumunot ang noo ko't nag-isip isip. Wala nga namang mawawala kung magtatry ako 'di ba?

"Saan ba pinakamadali humanap ng boyfriend?"

Tuwang-tuwa si Hetzie nang marinig niya iyon kaya agad niya akong tinuruan kung paano.

"Teka nga, bakit ba alam na alam mo 'yan, Hetzie? Gumagamit ka rin niyan 'no!" tukso ni Shane habang naghihintay kami ng ka-match sa NearGroup.

Napatawa naman ng malakas si Hetzie saka umamin na dito niya nakilala si Jes, ang kanyang asawa. Nagtuksohan silang tatlo hanggang biglang may nag pop up sa cellphone ko.

"May kamatch na si Elizabeth!" excited na sabi ni Jesyll saka namin sabay-sabay na tinignan ito.

Yay! Chat connected

June, 23 - Male
12 KM away
Davao City
Positive Reviews: 100% (1 total)
Motivation: Find a partner/date
Love Language: Words of Affirmation and Physical Touch
User Since: Dec 2018
Using NG on: FB

"Sige na, Eli, itatry mo lang naman makipag-usap. Kapag feeling mo okay naman siya saka kayo magkita," sabi ni Hetzie. "Para may maipakilala ka na rin kina Lola Betty."

"Nako, mag-iingat ka sa mga ganyan, Elizabeth ha. Sinasabi ko talaga sayo," naiiling na sambit naman ni Shane.

"Si Shane naman, hayaan mo na nga 'yang kaibigan natin. Minsan na nga lang, pagbigyan mo na," ani Jesyll.

Habang nagtatalo pa rin sila kung dapat ko bang ituloy o hindi, I typed hi and he greeted me good afternoon.

June:
Can I know your name?

Elizabeth:
I'm Eli.

June:
Nice name! Bakit ka nag NG?

Elizabeth:
May kailangan kasi ako and my friends told me to look for it here.

June:
Baka ako ang kailangan mo? Just kidding. Ano ba 'yon?

Elizabeth:
Nakapagbitiw kasi ako ng salita sa lola ko na magdadala ako ng boyfriend before New Year's Eve.

June:
Pwedeng ako, we can meet up if you want para mas makilala mo ako. Mag-uusap lang ganon.

Elizabeth:
Ano namang pag-uusapan natin, hindi naman tayo magkakilala. Isa pa, I'm already 26.

Hanggang sa hindi ko namalayan, ang dami na naming napag-usapan. Nalaman kong halos magkakaparehas ang hilig namin, galing sa libro, pagkain hanggang sa mga hobbies. Base sa mga sinasabi niya, feeling ko naman maayos at disente siyang tao.

DALAWANG ARAW BAGO ang New Year, nakapagdecide ako na makipagkita sa kanya sa Digos City. Pagkatapos magbihis at mag-ayos, nagpaalam na ako sa kanila. Ten minutes bago ang napag-usapang oras, nasa nasabing cafe na ako. Hindi rin naman nagtagal, may umupo na lalaki sa harap ko.

"Hey, I'm June," aniya sabay ngiti saka naglahad ng kamay.

"I'm Elizabeth," pakilala ko rin saka kami umorder.

Nang maserve na ang order namin saka pa kami nakapagsimulang mag-usap.

"So kumusta na 'yong lola mo, nangungulit pa rin ba?" tanong niya.

Napatawa ako saka tumango. "Oo kaya, sabi niya baka naman daw wala talaga."

"Kailan ba?" muli niyang tanong.

"Payag ka ba talaga? Baka makulitan ka sa lola ko," pananakot ko sa kanya.

"Hindi rin, ako pa ba," aniya saka tumawa. "Pero kung pupunta ako sa inyo, dapat parang kilalang-kilala na kita."

"Ano pa bang hindi mo alam? Napakarami na nating napag-usapan sa NearGroup."

"Simple things like your work, your salary, your schedule and your friends," aniya. "Baka biglang magtanong ang lola mo ng mga ganyang bagay."

Sinabi ko sa kanya ang mga impormasyon na sa tingin namin ay baka usisain pa ni lola. Tumagal din ng halos dalawang oras ang pag-uusap namin saka namin naisipang magbayad na.

Kukunin ko sana ang bill pero mabilis ang kamay niya na nakuha ito. Kinapa niya ang bulsa niya para yata hanapin ang wallet niya pero tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Eli, naiwan ko yata sa sasakyan 'yong wallet ko, bayaran nalang kita mamaya," nahihiya niyang sabi. "I'm sorry, Eli. Babawi ako sayo."

"Nako, ano ka ba, okay lang 'yon," sabi ko saka kinuha ang bill at binayaran.

Hinihintay nalang namin ang sukli nang nafeel kong naiihi ako.

"Teka lang, June ha, CR lang muna ako," paalam ko sa kanya.

Nagmamadali akong pumunta ng CR at umihi. Paglabas ko ng cubicle, napansin kong hindi ko dala ang bag ko, mag-aayos pa naman sana ako. Bumalik nalang ako sa table namin pero pagdating ko do'n, wala na si June. Wala na rin ang bag ko kung nasaan ang wallet at ibang importanteng bagay. Patay, naloko't nanakawan pa yata ako!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 29, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

#makeITsafePHWhere stories live. Discover now