That Day, 5 Years Ago

254 15 24
                                    

Dedicated kay LastMarchian0302 dahil sa kanya kaya ko tatapusin 'to ngayon hahahaha


♥♥♥



Her POV



"What the—!"

What can you expect sa isang babaeng may hangover at biglang makakakita ng lalaki pagbukas ng mata niya sa umaga lalo pa't nasa iisang kama lang kayo?

"Lumayo ka nga sa 'kin! My God! Ano'ng ginawa mo, ha?!"

Naalala ko pa kung paano ko ihagis sa kanya ang lahat ng makita ng mata ko. Unan? Makakapal na books? Figurines? I'm glad na malambot na kama niya ang sumalo at hindi ako nakabasag kahit isang gamit.

"Wait! Calm down!"

How can you calm down a lady na ang huling memory ay naroon sa bar at umiinom? Malay ko ba kung ano'ng ginawa niya sa 'kin habang wala akong malay.

"Can you please—ugh! Wala akong ginawa! Wala, I promise! Calm down! Let me explain, okay?!"

After those minutes na halos mag-breakdown na 'ko, it finally dawn on me.

"Just—kalma ka lang!"

"Wait!"

There are moments in life na tinatanong ko ang sarili ko kung tama ba ang nararamdaman ko o niloloko lang ako ng sarili ko.

Hindi ko alam.

Hindi ko alam pero . . .

"Kilala ba kita?"

And to hell with what happened next. I saw that genuine smile na nagpabalik sa akin sa kuwentong matagal ko nang iniwanan.


His POV


"Do you believe in destiny?"

Nah, hindi ako ang tipo ng lalaking nagsasabi ng ganyan sa babae just to hit on her. That's corny. But, damn, I did hahaha!

Hindi siya angelic face matulog at nakanganga pa. Good thing na hindi siya pala-hilik. Pero kahit na ganoon, maganda pa rin siya sa paningin ko.

"What the—!"

Nakita kong gulat na gulat siya pagkakita sa 'kin. Sino bang hindi? Baka nga hindi niya ako natatandaan dahil matagal na kaming hindi nagkita. At alam ko rin sa sarili kong malaki ang ipinagbago ng itsura ko last time na nagkita kami sa playground na 'yon.

"Lumayo ka nga sa 'kin! My God! Ano'ng ginawa mo, ha?!"

The size of my white pillows were enough para ipang-shield sa mga pinagbabato niya sa 'kin. Gusto ko na nga siyang talunin para lang mapigilan, balak pa niya yatang makasira sa bahay ko.

"Wait! Calm down!"

Yeah, how can I calm a lady na hindi ako matandaan tapos ako pa ang unang bumungad sa kanya paggising niya after maglasing.

"Can you please—ugh! Wala akong ginawa! Wala, I promise! Calm down! Let me explain, okay?!"

She was breathing so hard habang naghahanap pa ng ibabato sa akin. Too bad, hindi ganoon ka-crowded ng gamit ang room ko. But still, she was not planning to stop, though.

"Just—kalma ka lang!"

"Wait!"

Then, I saw that look in her eyes na may doubt. And I was hoping—badly hoping—she would remember me that time.

"Kilala ba kita?"

I smiled at her. Sana, kung alam lang niya na sobrang saya kong makita siya ulit pagkatapos ng lahat.

"Yellow roses. Sa playground. Sa Millionaire's Village. Ako yung batang lalaki. Yung—yung lumapit sa 'yo noon?"

"A . . . An . . .?"

Oo, ako si Anton. Ako nga si—

"An . . . Ano'ng pangalan mo?"


♥♥♥

The Absolute ValueWhere stories live. Discover now