Chapter 12: [ Lost ]

9.5K 350 1
                                    

Yhona Kazumi Del Suarez POV

Tss

Ano bang nakain neto at ang init init ng ulo? Psh! Wag mong sabihing meron siya? 

Pfffttt, kalalaking tao, bipolar, tsk tsk tsk

Tinignan ko naman siya at ibubuka ko na sana ang bibig ko, ng ma alala ko yung sagutan namin kanina

Tss, dinaman inaano, tapos galit, heller may problema siguro toh?

Oh right! Ano kaya ang sinabi ni Mr. Alvarez? Pwede na ba akong umalis? 

Tinignan ko naman ulit siya sabay tingin sa labas ng bintana, tingin sa kaniya tapos tingin sa labas ng bintana, tingin sa kaniya tapos tingin na naman ulit sa labas ng bintana, tingin sa kaniya at nakita ko namang nakatingin siya sakin kaya tumingin ako sa labas ng bintana 

*AAAAWWWKKKKKKWWWAAAARRRRDDDD*

Bat ganun? Ang awkward awkward ng atmosphere eh wala naman akong ginagawa, baliw lang ang atmosphere?

Agad naman akong napatingin sa kaniya ng nag buntong hininga siya

"What do you wanna talk?"

Tanong niya, taka naman akong tumingin sa kaniya pero agad ding lumiwanag ang mukha ko dahil sa tanong niya

"Yun!!! Nag salita din!!!"

"Tss"

Ayt! Ang sungit naman, Psh bahala na nga, mag tatanong nalang ako

"So ito na nga, ano yung sinabi ni Mr, Alvarez? Pwede na ba akong umuwi? Ihahahatid mo na ako? Dito kasi ang way papunta samin eh"

Nakangiting sabi ko, agad naman siyang Napa preno at tinignan ako

"What? Dito ang way papunta sa inyo?!"

Tanong niya, tumango naman ako agad siyang napasabunot sa buhok niya at mahinang napamura

Eh? Anyare sakaniya? Sinaniban?

Agad siyang nag U-turn at pinaharurut agad ang sasakyan

"Bat mo niliko? Sana deneretso mo nalang, para maka uwi muna ako"

Sabi ko pero sinamaan niya ako ng tingin kaya na pa buntong hininga ako, ano bang problema niya?

"Ahhmmm...."

Pag bababasag ko sa katahimikan at tinignan siya, ibang way narin kasi ang tinatahak namin, puro puno nalang ang nakikita ko, siguro malayo na toh sa maynila? 

"What?"

Tanong niya kaya agad akong napangiti at humarap sa kaniya

"San ba tayo pupunta?"

Tanong ko, tinignan niya lang ako at nag kibit balikat 

"Uyyy Shace!!! Pansinin mo naman ako!!"

Pangungulit ko sa kanya kagaya ng pangungulit niya sakin pero di siya kumibo at nag iwas lang ng tingin

"Di bagay sayo"

Walang ganang sabi niya, so ganun? Psh, bahala siya Jan! Walang mag papansinan! 

Itinuon ko nalang ang pansin ko sa labas at nakitang mag didilim na, napabuntong hininga na naman ulit ako, bago ko ipikit ang aking mga mata 

Nagising ako ng may maramdaman akong tumititig sakin, dahan dahan Kong iminulat ang mata ko at bumungad sakin ang dalawang pares ng mata, which is mata ni Shace

Nakasimangot na siya nga yun, habang nakatingin sakin

Dina siya galit?

"Kazumi..."

Maluha luhang sabi niya, tinignan ko naman siya ng nag tataka at sinenyasan na ituloy niya

"Naubusan tayo ng gas... Huhuhu! May mga mumu dito!!"

Umiiyak na usal niya 

WHAT. THE. HELL?

"Nasan tayo?"

"Di ko alam, namatay yung location, ehh"

"So ang sinasabi mo..."

"Huhuhu, were lost"

F*cksh*t!!!

"Hayyyss, San tayo niyan?"

Inis na tanong ko at tumayo, akmang lalabas na sana ng pigilan niya ako

"Huhuhu Kazumi! Wag kang lumabas diyan, may mga mumu!! Tinignan mo nga oh!! Bilog yung buwan"

Umiiyak na aniya, pero tinignan ko lang siya ng walang gana at hinawakan ang kamay niya

"Walang mangyayari kung mag hihintay tayo dito hanggang umaga, kailangan nating mag lakad para makahanap ng matutuluyan..."

"E-ehh, baka m-may mga mumu sa daan?"

"Wala yun!! Basta humawak kalang sakin, Hindi ka mapapahamak"

Babysitting the Childish hot jerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon