Chapter 5: [ Annoying Childish ]

13.3K 443 2
                                    

Yhona Kazumi Del Suarez POV

"Kung ganun pwede mo na akong I kiss... Wala naman na yung mumu, ehh"

Nakangising sabi niya at dahan dahan naman inilapit ang mukha niya sa mukha ko, pero bago pa man niya mailapat ang labi niya sa labi ko, ay agad ko siyang binatukan at pabalang siyang tinulak

Agad akong tumakbo sa pinto bago pinihit ang doorknob, at ng makalabas ako ay agad naman akong napatigil dahil sa naalala ko

"Dito muna Tayo... Sarado yan..."

Agad akong bumalik sa loob at nakita siyang nakabusangot habang bumubulong bulong pa, at ng makita niya ako ay agad siyang ngumiti, sinuklian ko naman yun ng isang nakamamatay na tingin

"Bumalik kaba dito para i-kiss ako? Sabi ko na nga ba di mo ko matitiis ehh"

Sabi niya bago tumayo at naglakad papalapit sakin habang nakanguso, at ng makalapit siya ay binatukan ko ulit siya

"What was that for?"

Naka pout niyang tanong sabay kamot sa ulo niyang binatukan ko, sinamaan ko ukit siya ng tingin bago ulit siya binatukan

"GRRR... NAKAKAINIS KA!! BWESIT KA!!! PINAGLALARUAN MO BA AKO?! HAH? HAH? KITA MO YUNG PINTONG YUN *with matching turo pa sa  pinto* SABI MO NAKA LOCK! PERO... PERO BAKIT NUNG HINAWAKAN KO, BUMUKAS?! HAH---?!!"

Hindi ko na tapos ang sasabihin ko ng pumalakpak siya with matching kinang mata pa...

"Wow! Ang galing!!! May powers kana pala Kazumi!! Paturo ako ahh?! Galing!!"

Masayang sabi niya habang pumapalakpak pa

"PINAG--- PINAG LALARUAN MO BA AKO?! ARGHHH!!! YOU'RE SO ANNOYING!! HINA-HIGHBLOOD MO AKO!! AHA!! SIGURO INGIT KA SA BEAUTY KO, KAYA GUSTO MONG TUMANDA AKO NOH! AIST!!"

Sigaw ko nalang, sabay walk out ng Maramdaman Kong Hindi siya sumunod ay lumapit agad ako sa pinto at sumigaw...

"Yah! May multo Jan! Baka gusto mong makita?!"

Pananakot ko, nakita ko namang dali dali siyang tumakbo papunta dito at hinila ako

"Tara na Kazumi... Papakainin mo pa ang gwapong si ako... Hmm... Hmm... Hmm...."

Kanta niya habang hila hila ako, agad niya naman akong pinaupo sa katabi niyang upuan at nakangiting binalingan ako

"Anong tinitingin tingin mo diyan?!"

Inis na tanong ko, ngumuso naman siya sabay turo dun sa pagkain niya

"Don't tell me, mag she-share Tayo ng Plato, 'yoko nga"

Sabi ko at kumuha ng sariling Plato bago siya tignan ulit... Sumenyas ulit siya, kaya naman agad akong tumingin sa kaniya ng puno ng pagtataka

Pipe ba siya?!

Aish! Kahit kailan sakit siya sa ulo!!!

"Shace... Don't tell me, na pipe ka?"

Gulat Kong tanong at bigla naman siyang natawa. Baliw lang? Adik? Ganun?

"Sabi ko, lagyan mo na ng pagkain ang Plato ko, at pakisubuan narin ako..."

Nakangiting sabi niya na ikinanganga ko, baliw ba siya?!! Tss...

"Wala ka bang kamay?!"

Inis na sabi ko sa kaniya napanguso naman siya at konti nalang ay iiyak na, inirapan ko naman siya at nag Simula ng kumain

"Waaaahhhh.... Huhuhu... Huhuhu... *sniff* *sniff* huhuhu..."

Iyak niya, kaya napatingin naman ako sa kaniya, inis ko siyang sinigawan kaya napatahimik siya pero patuloy parin sa pag agos ang mga luha niya

Agad naman akong napabuntong hininga, bago nilagyan ng pag kain ang Plato niya at sinimulan ng subuan siya, napangiti naman siya sa ginawa ko at ang ikinagulat ko ay subuan niya rin ako...

Anong nakain niya?

Pero kahit na napapangiti ako sa ginagawa niya ay naiinis parin ako...

Tss... Annoying child!!

Babysitting the Childish hot jerkWhere stories live. Discover now