Forever I'll be your Prince and Forever you'll be my Princess [3]

94.3K 944 58
                                    

CHAPTER 3

ERVIN’S  POV

“Baby nakauwi ka na pala, teka lang niluluto ko pa ang dinner natin.” Siya pala si Yaya Rosing, at mukhang close talaga sila ni prinsesa. Basta close kay prinsesa, dapat maging close na rin sa akin ;)

“Lot, sino siya? Classmate mo? Dinala mo sa bahay?” sabi niya habang tinitingnan ako.

“Ako po si Ervin. Nice to meet you po. Ako po ang prinsipe ni Charlotte.”

WHAT? Ano ba yung sinabi ko! Obvious masyado na kabado ako. Sino ba namang hindi kakabahan kapag tinitigan ka ng ganun?! Maya maya tumawa ng malakas si Yaya Rosing.

“Hay salamat, Charlotte anak, may ipinakilala ka ding lalaki sa akin. Alam mo iho, sinasabi ko sa’yo, malamang malaki ang pagasa mo ditto sa alaga ko dahil sa dinami rami ng manliligaw niya eh ikaw palang ang ipinapakilala niya. Kaya ngayon pa lang sinasabi ko na sa’yo.. Ingatan mo siya ah.”

Tumawa siya, napatingin ako kay prinsesa at pulang pula siya.

 “Yaya stop that! You’re embarrassing me. >//>”

Tumingin siya sa akin at nginitian ko na lang siya.

“Siyempre naman yaya, aalagaan ko si prinsesa! Ako nga ang prinsipe niya hindi ba?” Nagulat siya sa noong sinabi kong prinsesa ko si prinsesa pero nagthumps up naman siya. Pagkatapos noon, kinwento ko kung paano kami nagkakilala ni prinsesa. Napahaba yung kwentuhan naming ni Yaya Rosing dahil ang dami niyang kwento tungkol kay prinsesa. :D

 “Ervin. 8:00 na. Wag mo namang isipin na pinapaalis kita pero kasi baka mapagalitan ka na niyan kasi gabi na eh.” Nag-aalalang sinabi ni prinsesa. Napatingin ako sa kanya at nanghina. Bakit ganoon siya ngumiti?! Bakit ang ganda niya?!

 “Ervin, ayos ka lang ba?” sabi sa akin ni prinsesa.

“Ah wala, yung ngiti mo kasi.. Killer smile. Tinamaan ata ako.” Nakita ko siyang mamula. Ayos! “Oh siya, uuna na ako ah? Goodnight.”

“Goodnight.” Walang kiss? Hug? Sige na nga. Hinatid ako ni prinsesa palabas sa gate nila at dumeretso naman ako sa bahay namin.

               

Pagdating sa bahay namin tahimik na naman. Sina mommy at Daddy nasa states, busy. Minsan nga iniisip ko na kahit kubo lang ang bahay na ito siguro mas magiging masaya ako basta magkakasama kami eh. Haaaay…

"Ervin bakit gabi ka na umuwi ngayon? Saan ka galing?" tanong sa akin ni Ate Rea.

Si Ate Rea ang nagiisang kapatid ko. Sa bahay na ito siya na lang ang nakakasama at nakakaintindi sa akin. Parang siya lang ang pamilya ko.

 “Galing ako sa bahay ni prinsesa.” Nagulat siya.

“Prinsesa? Sinong prinsesa? Ervin, may naipalit ka na ba kay Vianca?” Si Vianca? Nasali na naman siya sa usapan. Bakit kasi kelangan pang… Tss.

“Ate wag mo ng banggitin si Vianca pwede ba? By the way si prinsesa…” At kinwento ko nga ang lahat ng nangyari at kung paano kami nagkakilala ni prinsesa.

“Well if this ‘prinsesa’ saved my baby brother’s life then I have to meet her. Kailangan ko siyang kilalanin to know if she’s worthy of my gwapong gwapong kapatid. I’m going to your school tomorrow to meet her okay?”

“Sure ate. Kaso, mahalaga talaga siya sa akin kaya wag mo siyang takutin kasi isang araw  pa lang talaga kami magkakilala at baka… iwasan niya ako.

“What?! Isang araw pa lang?! Pero kung magkwento ka akala mo ilang taon na ang pinagsamahan niyo! Si Vianca nga kilala mo nag or so long tapos crush mo lang siya tapos si Charlotte, one day lang?! I really want to meet this Charlotte.

   

Nagtataka ba kayo kung sino si Vianca? Si Vianca ang isa sa mga bestfriend ko na pinagpalit ako kay Dominic, isa pa rin sa bestfriends ko. Magkakasama kaming lima nina Eric at Rica pero Vianca and Dominic fell for each other kaya humiwalay sila sa amin kasi alam nila na may feelings ako for V.

            

 Well, that was true. I have feelings for Vianca.

 That day na binalak kong magconfess sa kaniya ng feelings ko, bigla nilang inannounce na sila na. Siyempre kunwari ayos lang sa akin at hindi ako nasaktan pero… masakit talaga.

Si Vianca ay maputi, matangkad, maganda, sexy at may curves. Si Prinsesa medyo oval ang mukha na may malambot na pisngi, sobrang puti at cute siya. Para siyang koreana dahil malaki ang mata niya. Si prinsesa skinny si Venice sexy.

Haaay, ang dalawang babaeng nagpatibok ng puso ko. 

[EDITING] Forever I'll be your Prince and Forever you'll be my Princess <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon