[1] Suicide led me to you.

156K 2.1K 174
                                    

CHAPTER 1

                Ano bang maganda sa buhay na ito kung ang daming taong galit sa iyo? Kung pati pamilya mo walang pakialam sa iyo. Ano pa nga bang saysay ko sa mundong ito? I’m useless.

                Gusto ko ng tapusin ito. Isang talon lang, okay na. Isa lang at—

“Excuse me, magpapakamatay ka ba?” may narinig akong boses ng babae.

“Kung magpapakamatay nga ako dito, anong gagawin mo? Mapipigilan mo ba ako?” pagalit kong sinabi.

               

Pinagmasdan ko siya. Mahaba ang buhok niya, nakasuot siya ng pink na dress at maputla siya pero maganda siya.

“Bakit hindi? Konsensiya pa kita ano! Nakakainis ka naman! Tatalon ka na lang pwede ba siguraduhin mong walang makakakita sa iyo! Ngayon anong gusto mo? Bangungutin ako araw araw kasi may nagpakamatay sa harap ko tapos hindi ko pinigilan kahit na alam kong kahit papaano may magagawa ako?!” pagalit niyang sinabi. Hindi ko alam kung bakit pero natutuwa ako sa kanya. “Isa pa, hindi rin ako papayag na makatakas ka sa problema mo tapos dadagdagan mo pa yung akin. No way, jose.”

“Eh anong gusto mong mangyari? Umalis na lang ako dito tapos harapin ang problema ko?!”

“Exactly! Isa pa, yun naman talaga dapat ang ginagawa mo! Hindi yang tatalon ka para makatakas. Ang bading mo.” Pagkasabi niya noon, uminit talaga ang ulo ko!

“Wala akong pakialam sa’yo Miss okay?! Kaya pwede bang umalis ka na at hayaan mo na lang ako dito!”

“Hindi mo ba narinig yung sinabi ko kanina?! Hindi nga ako aalis dito!”

“Bahala ka. Sige, panuorin mo akong tumalon dito. Bahala kang matrauma buong buhay mo!” tapos humakbang ako malapit sa cliff.

“TEKA SANDALI!” Bigla niyang sigaw sabay ng paghigit niya sa braso ko.

“Ano na naman ba?!”

“Ganito na lang okay, ikwento mo ang problema mo tapos ikekwento ko din yung akin. Kung mas mabigat ang problema mo, fine. Ako pa mismo ang tutulak sa iyo. Pero kung mas mabigat ang problema ko sa iyo, siguro naman mahihiya ka ng dagdagan pa yun at hindi ka na tutuloy sa pagtalon mo.”

“Bakit naman ako papayag sa sinasabi mo?”

“Kasi hinding hindi kita papatalunin diyan hangga’t hindi ko ginagawa yung makakaya ko para pigilan ka. Kaya kung gusto mong mapabilis na yang pagtalon mo eh di gawin mo na lang yung sinasabi ko. Isa pa, siguro naman sobrang bigat ng problema mo hindi ba? Kasi tatalon ka pa diyan sa bangin. Ano ba namang sinabi ng problema ko. Kaya sige na. Magkwento ka na!”

                Fine! May magagawa pa ba ako? Sigurado akong hindi rin naman siya papayag na hindi mangyari yung gusto niya. Isa pa, totoo nga naman. Ano ba namang sinabi ng problema ko sa problema niya? Mukha ngang wala siyang problema eh! Tumingin ako sa kanya, mukhang hinihintay niya yung kwento ko.

                “Fine! Sa school ko may mga siga na nagbabantay sa akin kasi daw inagaw ko yung girlfriend ng leader nila eh ni hindi ko nga kilala yung babaeng yun. Dahil doon, araw araw pagkatapos ng klase lagi akong nakikipagbugbugan sa likod ng school. Noong una, okay lang kasi natatalo ko naman sila. Pero noong tumatagal na, dumadami na yung kasama ng gang at napupuruhan na talaga ako. Tapos, pag uuwi ako sa bahay inaasahan ko na mayroon man lang magtatanong sa akin kung anong nangyari sa akin, o kung ayos lang ba ako, kasi nasaktan talaga ako. Pero ano? Wala. Sa bahay para kaming mga statwa, ang lamig. Mayaman nga kami pero hindi naman kami naguusap usap, walang pakialaman. Malaki pa ang bahay namin, na halos hindi na kami magkakitaan. Parents ko busy palagi sa trabaho. Ang gusto ko lang naman eh minsan maging pamilya lang kami. Yun lang.”

                Nakita kong nakikinig siya sa akin pero hindi ko nakikitang naawa siya sa akin. Kaya nga tinuloy ko pa yung kwento ko, isa pa, magaan talaga ang loob ko sa babaeng ito. Hindi ko alam kung bakit.

“Pero kahit ganoon, may dahilan ako para kahit papaano ay gumising araw araw. Si Vianca. Bestfriend ko sila ni Dominic. Akala ko talaga may pag-asa ako kay Vianca ng biglang malaman ko na sila na pala ni Dominic. Noong malaman ko yun, lalo na akong nawalan ng ganang mabuhay. Para saan pa? Hindi na para sa pamilya, hindi na para sa mga kaibigan ko, lalong hindi para sa sarili ko kasi Hindi naman ako masaya. Kaya para saan pa?”

                Dahil sa sinabi ko sa kanya, lalong naging buo ang loob ko na tumalon na dito. Kasi kung hindi wala na din naman akong babalikan sa buhay ko eh. Tumayo siya malapit sa akin tapos bigla niya akong niyakap.

“A-Anong ginagawa mo?!” gulat kong sinabi sa kanya.

“Kailangan mo ito. Sa hirap ng pinagdaanan mo, kahit papaano sana makabawas ito.”

                Hindi ko na namalayang nakayakap na rin ako pabalik sa kanya. Kahit papaano, masarap sa pakiramdam na may isang taong nakikinig sa problema ko, at hindi lang yun, niyakap pa niya ako.

“So, ako naman?” sabi niya. Umoo na lang ako. Hindi ko alam kung bakit, pero yung inis ko sa kanya nawala dahil sa pagyakap at pag-aalala niya sa akin.

“Parehas tayo, mayaman din kami. Kaso, may ate ako na mas magaling sa akin sa lahat ng bagay. Si Ate mas maganda, mas matalino, mas talented. Lagi akong kinocompare ng mom ko sa kanya. Noong gumraduate ako, salutatorian lang ako kaya sobrang disappointed si mommy. Kinulong niya ako sa kwarto para daw magreflect kasi si ate valedictorian. Ang hirap kaya na ang laki ng expectation sa iyo. Hindi naman ako perpekto, at kahit anong gawin ko mas magaling talaga ang ate ko. Alam mo bang hindi pa ako nakakaranas na makapaglaro ng patintero, luksong baka, Chinese garter o kung ano pa? Lagi kasi akong nasa loob lang ng bahay, nag-aaral o naglalaro ng Barbie o computer games. Hindi ako pwedeng lumabas kasi baka masugatan ako. Lahat naman ginawa ko na to make my mom proud, pero lahat yun balewala lang sa kanya kasi mas magaling pa rin si ate sa lahat. Tapos, nagpacheck up ako, mayroon daw maliliit na butas ang puso ko kaya bawal akong mapagod. Akalain mo nga naman, pati katawan ko sumuko na sa akin.”

“Alam ba ng parents mo yung sakit mo?” hindi ko na napigilang magtanong kasi nag-aalala ako sa kanya.

“Alam nila na mahina yung puso ko, pero hindi nila alam na may maliliit na butas ang puso ko. Hindi ko pa rin sinasabi yung sinabi ng doctor sa akin. Hindi ko kasi alam ang mangyayari. Kung mag-aalala ba sila o sasabihin nila na mas lalo akong walang magagawa na tama.”

                Nakatitig lang siya sa akin, tapos bigla siyang ngumiti. Paano niyang nagagawang ngumiti despite all of that? I... I really admire her.

“Pero ni minsan hindi ko inisip na magpakamatay. Bakit? Marami pa akong kayang patunayan. Marami pa akong pwedeng gawin. Alam kong kaya ko. Kaya please, wag ka munang sumuko. Kaya natin ito, kakayanin natin ito. Ha?”

                Napa Oo na lang ako. Tapos nginitian pa niya ako. Natulala lang ako. Tapos umalis na siya. Pinanood ko siyang umalis ng nakangiti.

                Niligtas niya ang buhay ko, pinatibay niya ang loob ko, nag-alala siya sa akin, nakinig siya sa problema ko, niyakap niya ako, pinagkatiwalaan niya ako sa problema niya. Utang ko sa kanya ang buhay ko!

At... Mukhang tinamaan ata ako. :/

[EDITING] Forever I'll be your Prince and Forever you'll be my Princess <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon