D o o d l e ~1

42 2 2
                                    

"Iwan mo na siya." sabi niya sa'kin habang nakatitig deresto sa mata ko.

"Umalis ka na." sabi ko sabay talikod at babalik sana ulit sa bahay.

Pero hinawakan niya ako sa braso at hinarap ulit sa kanya.

"Please lang Zoe. Iwan mo na siya. Please . . . "

I rolled my eyes at tumingin sa ibang direksyon.

"Please?" pagmamakaawa niya.

"Ano bang gusto mong mangyari Top?" sabi ko habang nakatingin sa ibang direksyon.

Huminga ako nang malalim at saka tumingin sa kanya.

"Ano bang gusto mong mangyari ha? Ang magkabalikan tayo?" sabi ko habang nakatitig sa kanya. "Top di ko alam kung bakit gusto mo ko bumalik sa'yo samantalang ikaw naman ang nang-iwan."

Nanatili siyang tahimik. 

"Ikaw ang nang iwan Top. Ikaw ang unang bumitaw. Ikaw ang unang sumuko."

Pilit kong pinipigilan ang luhang gustong tumulo.

"Wala naman akong reklamo kung ayaw mo na sa'kin e. Pero alam mo 'yung masakit?" i smiled bitterly "Yun 'yung iniwan mo ko nang di ko alam kung bakit. Kung ano ang nangyari. . "

At tumulo na ang mga luhang kanina ko pa pinipilan.

"Top nakakatanga!" sigaw ko "Pinagmukha mo kong tanga!"

At tumalikod na ako at tumakbo papasok sa bahay namin. Pumunta ako sa garden at naupo sa swing.

Top masaya na ko. Bakit kung kelan masaya na ko babalik ka pa?

Tama na 'yung sakit. :(

"Okay lang naman umiyak pero di ba mas okay kung may kasama pwedeng sandalan?"

lumingon ako at nakita ko si GD. Ngumiti ako at tumabi naman siya sa'kin.

"Eto oh." inabutan niya ko ng isang panyo.

"B-bakit--?"

Ngitian niya ako at saka ginulo ang buhok ko. "Hindi naman ako manhid para di ko maramdaman na nasasaktan ka na. Di ba gawain ko yun bilang boyfriend mo di ba? Ang protektahan ka sa lahat ng bagay na makakasakit sayo."

Tumahimik ako at tumungo.

"Mahal mo pa rin siya noh?" sabi niya.

Napatingin ako sa kanya.

"So tama nga ako." binigyan niya ako ng isang malungkot na ngiti at tumingin sa ibang direksyon.

"GD. . ."

ngumiti na naman siya "Alam ko namang mahal mo pa siya e. Oo nga ginawa ko naman ang lahat para mapasaya ka. Pero alam kong wala akong magagawa para mahigitan ang kaya niya. Kasi alam kong sa kanya ka higit na sasaya."

"GD . . . "

"Mahal kita Zoe." huminga siya nang malalim "At ang pinakamahalagang bagay sa mundo ko ay ang happiness  mo."

"At kung siya ang makakapagsaya sayo. . I would be willing to let you go." 

nagulat ako sa kanya. 

Nagbend siya at hinalikan ako sa noo. "Be happy. Please." at saka naglakad palayo.

©lovingthebluesky

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 21, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

D O O D L E STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon