Twelveth

100 5 0
                                    

Ruthie's Pov

Pagkatapos kong malinis yung mga bubog eh dumiretso na muna ako sa kusina para hugasan yung daliri kong tatanga tangang nag pa bubog.

Ngayon pa lang sinasabi ko na, Hindi ako yung tangang nag pa bubog ha? Yung daliri ko ok? hindi ako. Yung DA-LI-RI. Gets niyo naman diba?

Hindi ko nakita sa gawing sala si kyungsoo baka asa CR? o sa kwarto? Dumiretso ako sa lababo saka binuksan yung gripo at hinugasan na yung Hintuturo ko saka sa gawing baba nang hinlalaki.

"Naku ang tanga mo namang daliri ka at nagpapabubog ka pa, ang tanda tanda na eh,  nabububog padin?" inabot ko yung first aid box dun sa gawing taas nang cabinet, pero dahil masiyadong mataas eh kailangan ko pang kumuha nang bangko,  hindi ko pa naman masiyadong maitukod yung kaliwang kamay ko dahil nga may part na nabunog at medyo mahapdi kaya walang ibang choice =_=.

Hihila na sana ako nang bangko nang may kamay nang humarang sa gawi ko at inabot yung Box.

Aba mas matangkad lang siya sakin nang konti eh -3-.

Pagkakuha niya nung box eh hinila niya ako paupo sa isang upuan tapos humila din siya nang mauupuan niya din. Saka hinablot yung kaliwang kamay ko.

"Ang tanda na eh" narinig kong sabi niya kaya tiningnan ko siya nang masama tumingin naman siya sakin saglit , pero binalik agad yung tingin sa kamay ko.

"Nung daliri mo kako, ang tanda na nagpapabubog pa din." Pagpapatuloy niya naman.

Buti naman at nakaiintindi siya nang titig diba?

"A-aww teka dahan dahan naman kahit papano, aba kahit maliit yan eh masakit parin yan." sabi ko. Nakita ko namang nag curve nang konti yung labi niya.

"Oo na" tapos kinuha niya yung alcohol.

O_O

Hinila ko agad yung kamay ko sa pagkakahawak niya.

"Wa-wag mo nang la-lagyan nang alcohol, maliit lang naman eh" sabi ko saka medyo tinakpan yung kamay ko

Nakita kong ngumisi siya.

"O-Oi anong ngiti yan?" tanong ko

"Ngiti? anong ngiti? wala kaya, hmm lika na linisin na natin yang sugat mo" naka ngisi parin siya T^T

"Wa-wag na T^T maliit lang naman eh, gagaling din yan" sabi ko.

"Kailangan pa din nating linisin ^_^" Nakangiti nanaman siya!

"Wag na nga eh" Pangungulit ko pa.

"Sabihin mo muna sakin kung bakit.*Grin*" Wahh yung Pag ngisi niya!

"Ka-kasi nga maliit lang naman eh hi-"

"Sure bang yun lang?" singit niya sakin.

"Oo Naman!" Sabi ko agad

Tapos nakita kong itinilt niya na yung bote nang alcohol.

Hala mahapdi yan ehh!!

"Wag!" sigaw ko, nakakatakot kaya yung hapdi nang alcohol!

Tumaas yung isang side nang labi niya.

"Bakit?" tanong niya. Paaminin lang ako nito eh!

Nag pout ako. Nakakainis naman to eh. Tiningnan ko siya nang masama. Ngumiti lang siya sakin , nang Nakakaloko.

"Ayaw ko nga nang alcohol eh! Ang hapdi hapdi kaya niyan! Ayan ok na? Wag na kasi yan!" pag mamaktol ko, kasi naman eh.

"Hmm yun naman pala eh, aamin din pala eh. Buti naman at may beta-dine tayo,  ubos na kasi yung alcohol oh" Saka niya inalog alog yung bote nang alcohol. At ngumisi sakin.

O_O.

Wala naman pala eh!

"Ang sama mo!"

Hmp. Niloloko niya lang pala ko. Tch.

Tatayo na sana ako at mag wa-walk out  pero hinawakan niya ko sa braso.

"Haha sorry you were just too cute. Come on Lets treat your wound baby." Napaka gentle nang pag kakadabi niya.

Pano ko siya tatanggihan?

Inirapan ko nalang siya saka umupo ulit.

Nilagyan niya nang beta dine yung sugat tapos nilinis nang bulak saka nilagyan nang band aid.

Inalalayan niya pa kong tumayo. Kinulong niya yung mukha ko sa dalawang palad niya saka ako tinignan sa mata. Napangiti ako, ang sweet sweet niya eh.

"Hmm you should take good care on yourself baby" Sabi niya.

Pumikit ako saka dinama nang mabuti yung init nang kamay niya. At saka tumango. I feel safe.

"Good. I love you baby" saka ko naramdaman yung paglapat nang malambot niyang labi sa noo ko.

Borrowed Time (DO Kyungsoo)Where stories live. Discover now