Seventeen Day 7

23 2 0
                                    

Ruthie


Nagising ako nang may maramdaman akong humahaplos sa pisngi ko tila ba'y may pinupunasan.


Agad kong idinilat ang mata ko at itinaas ang aking ulo.


Nagsitulo nanaman nang marahan ang mga luha ko.


Ngumiti siya at dun ko lamang nakumpirma na gising na siya! Gising na talaga siya!


Agad ko siyang niyakap at napaiyak.


"Kyungsoo! Kyungsoo!"


Humaplos haplos ang kamay niya sa likod ko at hinigpitan ko pa lalo ang yakap sa kanya.


Bumitaw ako nang konti at tiningnan ang mukha niya. Gising na talaga siya!


Ngumiti siya at pinunasan ang mga luha ko.


"Bat ngayon ka lang gumising ha? Alam mo bang antagal tagal mong natulog? Dalawang araw ka kayang tulog! Hindi ng ako maka-alis sa kababantay sayo eh! kaya dito na rin ako naliligo at natutulog. Pero angtagal mong natulog."


Hindi siya umimik pero nakangiti siya sa akin at para bang sinasabi niyang ok na ko wag ka nang mag alala.


Bumukas yung pinto at pumasok iyong doctor, kaya napalingon kaming dalawa.


"Buti naman at gising ka na iho.Dala ko na ang test results mo at sa kalagayan mo ay alam kong hindi ka makasasagot sa akin ngayon kaya't mabuti at narito rin ang nobya mo"


"Opo, ano ho ba ang nangyari at nag ka ganon siya?" tanong ko dahil ngayon ko lang talga malalaman dahil kailangan pa daw ng results bago nila masabi dahil hindi rin nila matukoy.


Pero biglang tumayo si Kyungsoo at lumapit sa doctor, Gumalaw ang ulo niya at saka bumalik ulit sa tabi ko saka ako niyakap .


"Ano yung sinabi mo kay Doc? Doc ano po? May sakit po ba siya?"


"A-ah?? Wala naman siyang sakit i-iha pero kailangan mo parin siyang alagaan"


"Ho? Eh bat po siya nag kaganon?"


"M-may nakain siguro kayong hindi nagustuhan nang sistema niya o kaya ay hindi siya nakapagpahinga basta at mabababaw na dahilan lamang iha, sige at mauna na ako at may pasyente pa ako." Saka ito kumaripas nang takbo papalabas.


Weird. Hindi parin ako kumbinsido na wala.


Tinignan ko nang masama yung nakayakap sa akin.


"Ano yung sinabi mo kay Doc?"


Umiling lamang at ninakawan ako nang halik sa labi!


Nagulat ako kaya nanlaki yung mga mata ko siya naman ay ngumisi lang ulit!


"O-oi! Eto oh! Kagagaling mo lang eh nananatsing ka na agad!"


Ngumiti siya sa akin at yumakap lang nang mahigpit.


Bakit parang bumalk nanaman sa dati? Yung una ba kaming nag kakilala? Hindi siya nag sasalita non pero ngiti nang ngiti. Hayy ung ugali nga naman nang lalaking ito!


Matagal tagal din kaming nakahiga ni Kyungsoo sa hospital ed at magkayakap, wala kaming ibang ginawa kundi ang yakapin ang ia't isa. Hindi kami nag sasalita pero ramdam na ramdam ko kung gaano namin na miss yung isat'isa.


Pero kung hindi dahil sa panira nang moment kong tiyan eh ayon!


Kumulo yung tiyan ko , naalala kong hindi pala ako nag hapunan kagabi at wala rin akong matinong kain dahil sa sobrang pag aalala.


Tiningnan ko si Kyungsoo at ngumiti siya saka tumango na para bang sinasabi na sige pwede akong lumabas at bumili nang makakain dahil ok naman na siya.


How do I know that?! Hindi ko alam!


"Sige pero wag kang makaalis alis at sandali lang ako!"


Tumango siya kaya tinitigan ko muna siya saka humalik sa pisngi bago ako bumangon at lumabas.


Medyo natagalan ako sa pagbili nang makakain pero mabilis naman akong umakyat at pinuntahan ang kwarto ni Kyungsoo.


Pero napahinto ako nang pag pasok ko ay walang tao, tiningnan ko kung ito ba yung tamang kwarto at ito nga pero walang tao.


Pumasok ako at inilapag iyong pagkain sa mesa, baka naligo, oh ano pero kinakabahan ako ayoko yung nararamdaman kong kaba.


Pagtingin ko sa Higaan ay naroon iyong Hospital gown na suot niya, Nakatupi ito at may maliit na puting papel nanakapatong sa ibabaw nito.


Lumapit ako at humakbang sa napakabigat na pakiramdam.


Nanginginig yung kamay ko nang hawakan ko iyong Hospital gown at kuhanin iyong envelope na puti na naka lagay sa ibabaw na ito.


Pagbukas ko rito ay may maliit na papel sa loob.


Ayokong tingnan. Ayoko.


"Kyungsoo? Kyungsoo ayoko nang ganitong biro ah, ayoko nagn may paletter letter pa. Oy magtigil ka sa ganito, lumabas ka na."


Pero wala paulit ulit kong tinawag ang pangalang niya pero wala parin napaupo na laman ako at tinitigan ang envelope na hawak ko.


Labag man sa loob ko ay kinuha ko ang papel sa loob nito. Para ang bumagal ang bawat segundo nang pag bukas ko sa naka tuping papel.


Pumatak na nang tuloy tuloy ang luha ko nang mabasa ko iyong nakasulat.


Baby Dont Cry. I Love You Baby.


_____

PS-  Day Seven po ang nakalagay since Day Seven palang po na magkasama sila nagising si Kyunsoo :D

Borrowed Time (DO Kyungsoo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon