Take Off

11.5K 239 23
                                    

The day that they've all been waiting for. Maagang tinawagan ni Karylle ang kanyang mga kapatid para itanong kung papunta na ba ang mga ito sa airport kasama ang mommy nila, habang busy naman si Vice sa paglagay ng kanilang mga bagahe sa sasakyan nila.

"Love, malapit na daw sila. Sinabay kasi nila si Papa mag breakfast.." sabay kuha ni Karylle ng kanyang bag at pinasok na rin ito sa trunk. Tumango nalang si Vice sa asawa niya. Napansin naman ni K na mukhang masungit ito kaya kinuha niya ang panyo niya at pinunasan ang pawis ng asawa niya. "Easy lang kasi. Pumapanget ka dyan sa mukha mo." napangiti naman agad si Vice at hinarap niya si Karylle.

"Binobola mo na naman ako Misis V. Sige na sunduin mo na sila sa loob." pakiusap nito sabay halik kay K. 

Nasa biyahe na ang Viceral Family at as usual ay nag-iingay na naman ang dalawang bagets sa sobrang excitement. First time kasi nila pumunta sa Paris at mas excited naman 'tong si Kiara dahil sa kanyang mga nababasang love story na ang setting ay sa Eiffel Tower. Panay naman ang pagkwento niya sa kanyang ina tungkol sa isang love story na nabasa niya sa internet, at game naman si K sa pakikinig. 

Si Vice ay busy naman sa pakikipagtext sa cellphone at hinahayaan nalang siya ng asawa niya.

Vice's POV

Kinakabahan ako na natatakot. Hindi ko alam. Pero bakit ganito? 

Sa WeChat ng Porkchop with Ketchup:


Vice: Hoooooy!!! Tulungan niyo ako! Gusto ko mag backout!

Vhong: Brad, di mo naman first time ah! Bakit ka kinakabahan? 

Billy: Oo nga. Ang arte mo! Haha!!!

Vice: Mga baliw.

Vhong: Di mo naman first time na kaharap ang pamilya niya eh.

Vice: Alam ko.... Pero kasi.. Haay!

 Billy: Don't be so negative vice. Tandaan mo yung mga pinag-usapan natin. 


Nilock ko na ang iPhone ko dahil nasa airport na pala kami. Buong biyahe di ko man lang napansin ang asawa at mga anak ko. Grabe! Sobrang lutang ako! Agad akong bumaba ng sasakyan para tulungan na ang driver namin sa pagkuha ng mga bagahe. Nilapitan naman ako ni Karylle at tinanong kung may problema ba ako. E wala naman. Ewan ko din ba. Bakit ganito ako.

Pumasok na kami sa loob ng paliparan at nagcheck-in na rin. Nakita ko rin kaagad ang pamilya ng asawa ko at bigla namang lumakas ang kabog ng dibdib ko. Yung totoo, may nagawa ba akong krimen sa mga 'to at takot na takot ako?

"Vice... Kumusta?" niyakap ako ng biyenan ko. Nakakahiya talaga! "Hello po. Good morning po. Okay naman po." lang ang tangi kong nasabi pagkatapos akong inabutan ng kamay ng ama naman niya.

"Ba't parang kabado ka Vice?" tanong ng kapatid niyang si Zia. 

"Ha? Eh wala.. Excited lang! Tara na!"  

Halata namang nagwo-worry si Karylle. Sana naman mawala na 'tong kaba ko mamaya. Nadadala lang siguro ako sa mga nangyayari. Basta ang goal ko sa trip na 'to, makabawi sa lahat ng pagkakamali ko sa asawa ko, pamilya niya at sa mga anak ko. Alam kong ang dami ko pa rin kailangan gawin para makuha ulit ang buong tiwala nila. 

ViceRylle: Pagbigyan Muli (Love On Top Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon