Roadtrip (Part 1)

14.6K 263 24
                                    

"Everyone ready?" tanong naman ni Vice habang bitbit ang kanyang dalang bag. Karylle laughed and answered him back. "Ay nako, mas excited pa sakin 'tong mga anak mo. Tara na.". Both Miguel and Kiara ran fast towards their car since they are pretty excited kung saan sila mamamasyal kasama ang parents nila after a long time dito sa Pilipinas.

Vice held Karylle's left hand as his other hand was busy carrying a few bags. "Akin na nga.." pakiusap naman ni K. "Wag na okay na ako.." Vice insisted. She just opened the back door of the car para mailagay na ng asawa ang mga gamit nila. Quickly, Vice just gave her a quick kiss. "Thanks misis.." they both smile.

"Daddy!!! Let's go!!!!" sigaw naman ng dalawang bata. Napailing nalang sila dahil sa kakulitan ng mga bata. 

Pumasok na si Vice sa Driver's Seat at si K naman sa Passenger's Seat. "Kayong dalawa, daot talaga kayo kahit kailan no?" both kids just laughed and gave each other high fives. He switched on the engine and they left the mansion. While on the road, busy pa rin ang dalawang bata sa likod sa pagnood ng movie sa TV ng sasakyan nila. "Despicable Me" ang pinanonood nila. 

"K, do me a favor. Kunin mo yung mp3 player dyan sa pocket ng seat mo." and Karylle looked for it right away. Nakita niya ito sabay abot kay Vice. "No, pakinggan mo yung lahat ng nandyan." "Why?" "Basta." he smiled. Kinuha na ni Karylle ang earphones niya sabay kinig naman sa mga kanta doon.

Track 01: For You

        "Hi K. Wag ka mag alala, di kita kakantahan dito. Gusto ko lang gawin mo, habang nasa biyahe tayo, pakiggan mo lahat ng kantang nilagay ko dito. Gusto ko pumikit ka lang at isipin mo ang mga masasayang alaala na binuo natin dati. Wag na yung malungkot ha. Baka kasi bigla mo na naman akong iwan! charot. I want you to remember how everything started and I want to make you feel loved again. I love you!" 

Karylle was just looking at him the whole time na pinapakinggan niya ang voice message ni Vice. Napapalingon naman si Vice sa kanya at ginagantihan niya lang ito ng mga matatamis na ngiti.

Track 02: Itchyworms - Love Team 

        "First track. Song ni Vice President natin. Pero yung lyrics alam mo naman eh. Ganyan na ganyan kasi talaga tayo dati. Haha! Yan yung mga araw na patay na patay ako sa'yo pero hindi ko naman alam anong tama kong gawin kasi nga bakla ako. At love team lang yung Vicerylle.. Kaya ayun, kinokota ko na sarili ko sa tuwing may moment tayo sa Sine Mo To! Kasi, mahal na kita no'n.. Pakinggan mo ha?" said Vice on the track.

"Oh my gosh! Haha!" tanging nasabi lang ni Karylle. Habang nakikinig ay sinunod niya ang payo ng asawa. Biglang nag flashback ang lahat ng mga nangyari sa kanila noong nasa Showtime pa sila. Ang mga araw na halos araw-araw silang trending dahil sa kanilang mga ginagawa sa Sine Mo 'To sa tuwing sila ang magkapares. 

Track 03: Asawa Mo - Hiding Inside Myself 

        "Natawa ka sa pangalan ng singer no? Hahaha! But seriously, eto yung isa sa mga pinakapaboritong kanta ko. Eto yung mga oras na sobrang confused ako sa nararamdaman ko para sa'yo. Alam ko na gusto kita, pero syempre iniisip ko kung ano yung mga maaaring mangyari kapag pinagpatuloy ko yung pagkagusto ko sa'yo. Kaya ayun, I was really hiding inside myself. " 

ViceRylle: Pagbigyan Muli (Love On Top Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon