Chapter Nineteen

85.1K 2.7K 573
                                    



I decided to spend my time well while Grant's away. My days were awful without him. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong feeling. It was terrible to be without him. Ever since, kay Grant na kasi umiikot ang buong atensyon ko. It's like my whole world revolved around him since I don't know when kaya hindi ko na alam ang gagawin ko ngayong wala siya. Really, really terrifying.




And because I remembered one certain threat that I promised to fulfill, at wala naman ako magawang iba dahil sa sobrang boredom-naisipan ko na lang na iyon ang gawin ko. Making someone's life hell is something that could keep me busy and I'm pretty sure it would be fun.




"Why do you suddenly want to sit in, in this class?" Zoey asked.




"No questions."




Nauna akong pumasok sa loob ng room. Sumunod sa akin ang mga alipores ko. Napatingin sa akin ang karamihan na nasa loob ng room. Siguro ay nagtataka sila kung bakit may isang Maxwell Ynarez at mga extras na pupunta sa room nila. Some may not know me but I know majority does. They don't show no value to me kaya hindi ko na sila binigyan pa ng atensyon.




Umupo ako sa pinakalikod na bahagi ng room. Hinanap ko ang isang upuan at ngumising tumayo para puntahan iyon. Sinubukan magsalita nila Hana para tanungin kung saan ako pupunta pero nakaalis na ako dala-dala ang isang malaking container ng mighty bond. Hindi ko itinago ang ginawa ko sa iba. Alam kong nanunuod sila at wala rin naman akong paki kung nakikita nila, alam ko naman na walang maglalakas loob na kumalaban sa akin.



This fruity bitch here is the only one who dared to piss me off. And so what if she's new? Walang exception sa galit ko. Not even a fruit like her.



Pagkatapos ko ilagay ang lahat ng mighty bond sa upuan niya, bumalik na ulit ako sa kinauupuan ko at hanggang ngayon ay hindi pa rin naalis ang ngisi sa mukha ko.




Ilang segundo lang ang bilang nang makarating ang taong inaasahan ko ngayong araw. She was accompanied by a girl who was grinning at me like a mad dog. Gusto kong umirap sa sobrang laki ng ngiti sa mga labi niya pero ngumisi na lang ako sa kaniya. They were both talking animatedly, especially the girl who looked like a mad dog. Hindi nga napansin ni Durian yung presence ko dahil sa babae and that made me smirk even more.



Naglakad sila patungon sa second row sa pamumuno nung babaeng mukhang aso at dahil busy siya sa pakikipag-usap ay hindi na niya nakuhang lumingon pa sa upuan. Lihim na tumingin sa akin yung babaeng aso at tumango naman ako sa kaniya as a sign of approval. Ibinalik niya ang pakikipagkwentuhan kay Watermelon at inalis ko naman ang tingin ko sa kanila at tiningnan ang ekspresyon ng ibang tao sa room.

Mean for You (Mean #1) (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now