Part 8: You're different

11.5K 195 2
                                    

Nagising si Lex ng tumama ang sinag ng araw sa mukha niya. Mukhang hindi na naman nasarado ng maayos ang kurtina sa may windows.


Napatingin siya sa natutulog na nilalang sa tabi niya. Ang gwapo talaga niya, tulog man o hindi. As usual, nakayakap na naman ito sa kanya at nakapatong ang isang paa nito sa binti niya.


"Pinagnanasaan mo na naman ako." Nakangiti ito habang nagsasalita pero nakapikit pa rin.


"Kapal!" Natawa na lang siya sa sinabi nito.


"Wag ka nang mahiya. Asawa mo naman ako eh."


"Kahit asawa na kita, hindi pa rin kita pagnanasaan."


"Bakit naman? Gwapo ko kaya, tsaka macho pa. May abs pa nga ako oh!" Namula siya sa sinabi nito kaya yumuko siya ng kunti.


"Sira! Bumangon ka na nga. Kakain na tayo." Sinabi na lang niya yun para magshift ng topic. Nahihiya na kasi siya.


"Ayaw pa. Gusto ko pa matulog. 6 am palang oh!"


"Kahit na!"


"Please. Maya pa naman tayo aalis eh"


"Fine sige! Tulog ulit tayo."


Inayos niya ang pagkakahiga sa tabi nito. Pinagmasdan niya ang asawa habang natutulog ito. Bakit kaya hindi nababawasan ang kagwapuhan nito kahit tulog? Kahit din naman nagsusungit ito sa kanya gwapo pa din. Hmmmmn..


Habang pinagmamasdan niya ito, hindi niya namalayan na nakatulog pala ulit siya.


Nagising siya ng tumunog ang cellphone niya. Kinapa niya ang lamesa sa gilid niya upang kunin ang cellphone niya. Tiningnan niya ang caller.


Mommy calling...


Umayos muna siya ng upo sa kama saka sinagot ang tawag.


"Good morning ma."


"Good morning baby. How are you there? Hindi ba ako nakakaistorbo?"


"Kagigising ko lang po. Pero hindi naman po kayo nakakaistorbo. Tsaka, I'm doing fine here ma."


"Ah I see. Kumusta ang first day of honeymoon?"


"Hmmnn.. It's wonderful ma. Nagtour kami ni Red dito sa Paris. Nagikot-ikot kami sa city to see some fine architectures here. Grabe ma, ang dami palang magagandang architectures meron ang Paris. I never thought of it before until I was able to see it with my own two eyes. Nakakamangha ma."


"I'm glad you enjoyed your honeymoon. Hindi ka ba pinapahirapan ni Red dyan?"


Substitute Groom [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon