Part 13 : Creepy

10.8K 183 1
                                    

"Marie.."

*lub dub lub dub*

*lub dub lub dub*

Biglang naputol ang sasabihin ko ng magsalita siya. Tapos si hearty nagiging abnormal, ang bilis ng tibok niya. Baka nababaliw na ako nito. Wag naman sana. Tsaka di pa pwede. Hindi pa nga bumabalik ang asawa ko eh. Hindi pa nga siya nagpaparamdam sakin tapos mababaliw na ako. Aawayin ko pa yun.

"Marie.." May kausap pa pala ako sa phone. Unregistered number pero feeling ko narinig ko na boses niya. Ay wait, baka nabored. Kausapin ko muna.

"Hel--"

*toot too toot*

Bastusan? Binabaan ako. Wala siyang right manners at good conduct. Ay, good manners at right conduct pala. Hindi man lang ako pinatapos ng hello, binaba na niya agad.

Sino kaya siya? Si Red kaya yung tumawag? Hindi naman siguro. May number naman ako ni Red eh. Pero bakit naging wild si hearty? Baka dahil lang to sa sobrang pagkamiss ko sa asawa ko. Pacheck up na kaya ako sa Doktor bukas. Baka kung ano na nangyayari sakin.

Haaaay!! Namimiss rin kaya ako ng asawa ko? Aish. Mabuti pa magtrabaho nalang ako. Saka ko na siya iisipin pag nagkita na kami.

Umupo na ako sa mesa at sinimulang basahin ang mga files. Hindi naman ako nahirapan kasi hobby ko na ang pagbabasa. Wala pa daw akong meeting so ito muna ang ginagawa ko, ang magbasa. Subsob ako sa ginagawa ko at di ko na namalayan ang oras.

*tok tok tok*

Sino kaya to?

"Pasok. Bukas po yan."

"Maam, delivery po." Huh? Delivery? Ah, baka si ate Janeth yung nagpadeliver sakin. "Pakipirmahan nalang po rito maam." Sabay turo sakin nung paper.

"Salamat po. Nabayaran na po ba ito?"

"Ah, opo maam. Tapos na."

"Ah sige. Salamat po ulit." Lumabas na siya ng office pagkatapos nun.

Pagtingin ko sa paper bag, pagkain.

O.o

O.O

PAGKAIN?? Wait, anong oras na ba? Tiningnan ko ang phone ko. Ahh, kaya naman pala. 12:30 na. Wait, may note?

"Wag kang papalipas ng kain. Masama sayo yan. Patpatin ka pa naman." Watda! So, hindi si ate Janeth ang nagpadeliver nito. Sino naman kaya?

OMO!! O__O

Hindi kaya may gustong lumason sakin? Hala ka! Di pa ako ready mawala. Paano nalang sina mommy at daddy? Paano nalang ang company? Paano naalang si Red at ang future kids namin? Hindi pwede!!

*beep beep*

1 message received

From: 0935*******

"Walang lason yan. Kumain ka nga baka maging buto't balat ka na lang mamaya. =) "

So ito si nagpadeliver? At, nabasa niya ang nasa isip ko? Baka mangkukulam to or madam auring version na manghuhula? Nagpalinga-linga ako sa paligid para tingnan kung may nagmamasid sakin. Wala naman akong nakita. Mareplayan nga si Mr. nagpadeliver.

To: 0935*******

"Hoy Mr. nagpadeliver. Thank you sa foods. But you're creeping me out. Sino ka ba kasi? Pwede naman magpakilala diba?"

Substitute Groom [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon