CHAPTER TWO

5.3K 129 0
                                    

CONDITION
___________________________________________

Umuwi na ako pagkatapos ng klase, wala akong ganang gumala, sino ba ang gaganahan sa nangyari sakin aber? Tss.

"Young lady, kumain na po kayo." Sambit ng maid, tumingin naman ako sa kanya ng nakasimangot. Ayoko pa kumain.

"Later." Tanging sagot ko at bumalik sa pagkakahiga sa kama saka tumingin sa kisame habang iniisip kung ano ang gagawin ko para makapagbayad. You know, may pinag-iipunan ako kaya ayokong gumastos ng pera at ayokong humingi kina mommy ng pera just for that.

Nagtalukbong nalang ako ng kumot, natauhan ako ng malamang nasa baba si mommy, try ko kayang mangutang sa kanya? Tss ang tanga lang ba? Well kung tinatanong niyo kung bakit wala akong hinahawakang malaking pera? Well, 'di nila ko ini-spoil at 'yung pera ko iniipon ko at ipampapagawa ko 'yun ng condominium kong sarili.

Bumaba nalang ako kaysa sa magutom. Mas okay nang kumain ako. Nadatnan ko namang nando'n si mommy at kumakain, maaga na sya umuuwi dahil napapagod na rin sya sa pag-handle ng company namin kaya naman sinabi ko sakanya na agahan ang pag-uwi at si daddy muna ang maghandle. Baka kung ano pa ang mangyari kung papagurin niya ng husto ang sarili niya.

"Honey?" Tawag sa akin ni mommy. I didn't looked at her, instead I sit at my chair refusing to look at her eyes.

"Hmm?" Tugon ko habang kumukuha ng kanin at ulam. Nakakagutom pala mag-pabebe?

"Are you okay?" Nagtatakang tanong nya sa akin. Kumunot ang noo ko.

"I'm always okay mom." Kahit nanlalanta ang boses ko sinabi ko pa rin yun. I smiled at her to give her an assurance. That I'm okay even when I'm not.

"May sakit ka ba?" Nag-aalalang tanong nya. Mas lalong kumunot ang noo ko. Gusto kong matawa. Wala akong sakit, pero mukhang magkakaroon na dahil sa babayaran kong pera.

"Nothing mom. Uh... Mom?" Sagot ko sabay tawag sa kanya. She glanced at me and then turned to her foods in plate again.

"Yes honey?" She said while eating.

"Pwede po bang pahingi ako ng 20 thousand?" Nag-aalang­ang tanong ko. Shit. Hindi naman ako nanghihingi ng pera sa kanila kaya nakakahiya. Ngayon pa talaga.

"What? Ano naman ang gagawin mo sa 20 thousand?" She asked curiously. Napatigil na rin siya sa pagkain.

"Ahm…" napakagat labi nalang ako sa pag-iisip. Nakakainis naman wala akong maisip na dahilan.

"Is that necessary? What would you do in that money?" She asked again, getting more curious and confuse at the same time about my sudden need of money.

"No mom, but…" I groaned out of frustration. How do I tell her about what happened earlier? How do I tell to her that… I'm messed up. Darn.

'Am I going to tell her?'

Napatingin ako sa kanya na ngayo'y nakaawang ang bibig dahil naghihintay sa sasabihin ko.

"What?" She asked again, so eager to know why I want twenty thousand in just a sudden day.

I groaned and bit my lower lip. "Wala, mom, okay lang 'wag na lang." ngumiti ako ng mapait at nagpatuloy na sa pagkain gano'n din naman si mommy.

Temporary Girlfriend of the Bad Boy (Season1): Be My Temporary Girlfriend✔Where stories live. Discover now