VIII

122K 4.2K 562
                                    

VIII

Ito ba ang kamatayan?

Napakadilim at napakalamig naman.

Tila nakalutang ako sa hangin.

"Aura! Aura!"

Bigla kong iminulat ang mga ko. 

"Aura.. mahal ko."

Hinawakan nya ang pisngi ko. Napa-init ng kamay nya.

"Lucifer.. mahal ko.." bulong ko.

Nalasahan ko ang sarili kong dugo sa bibig ko. Malala ang sugat sa dibdib ko. Alam ko na hindi na ako magtatagal.

"S-Si Sa..tanas.."

"Wala na sya mahal ko," bakas ko ang takot sa mga mata nya "Pinatay ko na sya. Hindi ka na nya masasaktan. Dito ka lang Aura. Hwag kang matutulog. Dito ka lang."

Ngumiti ako.

Buhat nya ako, lumipad sya sa himpapawid. 

"H-Hind ka pwedeng mawala sakin, dito ka lang Aura.." mabilis nyang sabi sa akin "Dito ka lang. Hwag mo akong iiwan."

Pinilit ko na sundin sya. Marami nang dugo ang nawawala sa akin. Alam ko na malapit na ang oras ko. Hindi sinasabi sa amin kung ano ang mangyayari sa isang anghel kung mamamatay sila. Katulad ba ng demonyo na basta nalang mawawala?

"Uriel!" sigaw ni Lucifer.

"Lucifer, ano ang ginagawa mo dito?"

"Si Aura, kailangan nya ng tulong!"

Tinignan ako ni Uriel na may bakas ng awa sa mata. Alam ko na ang sagot bago pa nya ito sabihin. Tanggap ko na 'yon. Tanggap ko na ang kapalaran ko.

"Wala na akong magagawa sa kanya," inaasahan ko na sabi nya.

"Hwang mong sabihin 'yan! Nasan si Ama?! Sa kanya ako hihingi ng tulong!"

"Wala si Ama rito Lucifer, inaayos nya ang problema sa lupa. Kahit na nandito pa sya, wala na syang magagawa sa anghel."

"ITO BA?! Nakipaglaban kami, itinaya ang buhay para sa kanyang kaharian pero ito ang igaganti nya sa amin?!"

"Hwag mong pagsalitaan nang ganyan si Ama, Lucifer!" sigaw sa kanya ni Uriel.

"Bakit Uriel? Hindi ba at totoo naman? Nawala sa'yo si Karisma dahil hindi sya iniligtas ni Ama! Nawala sa'yo ang babaeng mahal mo at hindi ka man lang nya tinulungan!" sigaw pabalik ni Lucifer.

Hindi nakasagot si Uriel.

"Lu..cifer.. tama na..." nahihirapan akong huminga.

Hindi ko na makita ang mukha nya. Nanlalabo na ang paningin ko.

"Aura! Pangako gagawin ko ang lahat mabuhay ka lang," naramdaman ko syang muling lumipad. 

"Lucifer!" boses ni Uriel.

Reincarnation of LuciferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon