II

183K 5.7K 1K
                                    

II

May malamig na hangin na umiihip sa aking pisngi. Iminulat ko ang aking mga mata at nagising nalang ako na nakahiga sa kama ko.

Nasa loob ako ng kwarto ko.

Nung una akala ko ay normal lang na nagising ako pero nang maalala ko ang lahat nang nangyari..

Napaupo nalang ako hawak ang noo ko.

Pano ako napunta dito?

Gumagalaw ang kurtina na nakasabit sa nakabukas kong bintana.

Tumayo ako para isara 'yon.

Madilim na sa labas pagtingin ko.

Nanaginip na naman ba ako?

Sa panaginip ko nakita ko na sya.

Nandito na sya sa mundo namin at pinuntahan nya ako.

Iniligtas nya ako.

Nakita ko sya nang buo sa liwanag. 

Sobrang makatotohanan ang panaginip na 'yon.

Matapos kong isara ang bintana ay naisipan kong dumiretso sa kusina, pero hindi pa man ako nakakalabas ng kwarto ko nang mapatigil ako.

Nadaanan ko ang salamin.

Napamaang nalang ako sa nakita ko.

Suot ko parin ang uniporme ng eskwelahan na pinapasukan ko.

Bakit ako nakasuot nito?

Napatingin ako sa itim na palda ng uniporme. May dumi na para bang nagpagulong gulong ako sa lupa.

Pagtingin ko sa binti ko, wala naman akong sugat hindi kagaya nang sa panaginip ko.

At wala rin akong pilay sa paa.

Pero.. paano ko maipapaliwanag na panaginip lang ang lahat kung suot ko pa ang uniporme ko?

Hindi kaya.. SYA ang nagdala sa akin dito?

***

"Aura sa susunod mag-text ka kung uuwi ka nang maaga," sermon sa akin ni kuya habang papunta kaming school "Hinanap ka namin kahapon. Ang akala namin kung ano na ang nangyari sa'yo. Mabuti nalang nasa bahay si Mama at sinabing natutulog ka sa kwarto mo. Bakit ka nga pala umuwi nang maaga kahapon? May sakit ka ba?"

Reincarnation of LuciferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon