Internet Love #37

2.1K 43 2
                                    

Lisa's Pov

Kanina pa ako hindi mapakali. Palakad lakad ako sa kwarto ko. Bumalik na ako sa bahay dahil wala na akong damit.

Iniisip ko kung sino ang lalaki na iyon o kaya babae.

Bakit nya ako tinutukan ng baril? Bakit nya ako papatayin? Kilala ko kaya sya? Sino sya?

Mga katanungan na gumugulo sa isipan ko. Nakakabaliw naman to!

Naupo ako sa upuan sa may study table ko.

"Sino kay yun?" bulong ko sa sarili ko. Ginulo ko ang buhok ko. Kinakabahan ako baka may mangyari nanaman na masama.

Maya-maya nakarinig ako ng kaluskos mula sa bintana ko sa kwarto. Kinuha ko ang ballpen ko.

Ang ballpen na ito ay may kutsilyo sa may kabilang dulo. Inalis ko ang takip nito at lumapit sa bintana.

"Aish, how can I open this?" rinig kong bulong ng isang tao sa bintana. Boses lalaki ito. Hindi kaya....sya yun!

Buti nalang dim lights lang ang nakabukas sa kwarto ko kaya di ako maaaninag sa labas.

Nabuksan nya ang bintana. Hinawi ko ang kurtina at tinutok sa kanya ang kutsilyo.

"Y-yoongi?"

Ngumisi sya at hinawakan ang kamay ko na may hawak ng ballpen na kutsilyo.

"Inagaw mo sa akin si Jennie!" galit na sabi nya sa akin. Ano ba ang pinagsasasabi nya!? "Wala akong inaagaw sayo, harina!" sabi ko at sinipa sya sa tyan.

Napaluhod sya at kinuha ko ang kutsilyo na ballpen atsaka tinutok sa leeg nya.

"Sabihin mo sa akin. Ikaw yon noh?" tanong ko sa kanya. Ngumisi naman sya at may inilabas na....b-baril.

Baril vs. Kutsilyo!

Shit! Paano ko matatalo ang baril!?

Teka, diba ang baril...para pumutok kailangan munang ikasa. Di nya kinasa ang baril hindi ito puputok.

Pero pano kung nakasa na nya kanina? Grabe!

Ito na ba ang huli? Kamatayan ko na ba? Huhuhu wag naman. Papakasalan ko pa si Jennie.

Hinawakan ko ang kamay nya na may hawak na baril. Pinalipit ko ito at binalibag sya sa sahig. Kinuha ko ang baril at tinutok sa kanya.

Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at pumasok si Rosè na may kasamang pulis.

Wait what?

Hinuli nila si Yoongi. "Magtutuos pa tayo." sabi nya sa akin at hinila na sya ng mga pulis papunta sa sasakyan nila.

Kinuha nila ang baril nya at dinala sya sa police station.

"Pano mo-"

"I saw him na umakyat sa gate and buti nalang may mga pulis na nagroronda sa kalsada kaya ayun." pagputol nya sa tanong ko.

Wow, what a great sister.

"Kakasuhan sya nila mommy at ipapakulong nya si Yoongi." sabi pa nya.

Buti naman. Phew! Kala ko talaga kamatayan ko na kanina!

Kutsilyo wins! Hoooo!

Internet Love (JenLisa AU)Where stories live. Discover now