Internet Love #9

3.1K 84 2
                                    

Jennie's Pov

Pagkatapos naming kumain sa cafè at umalis na kami at nagpunta sa amusement park.

"Why are you so childish?" tanong ko kay Lisa. Pano ba naman kasi, kumakain sya ng cotton candy habang nakasakay sya sa merry-go-round. And take note, parang first time nya sumakay sa ganon. Super saya nya.

"I told you Jennie na sumakay ka din don! It's so fun kaya!" sabi nya at abot langit ang kanyang ngiti. Umiling-iling lang ako.

"Sakay tayo sa roller coaster!" sabi ko at hinila sya papunta sa pila. "No! I don't want. Nakakatakot kaya dyan!" sabi nya at nagcross arms na parang bata.

I rolled my eyes. "Fine, ako nalang mag isa. Dun ka na sa merry-go-round." sabi ko at di na sya pinansin.

"Sabi ko nga sasakay din ako eh. Let's go! Hehehe." sabi nya at tumawa na parang kinakabahan. "Yun naman pala eh." sabi ko at bumili ng dalawang tickets.

Sumakay na kami sa roller coaster at nagseat belt na kami. Humawak din kami sa nagsisilbing harang ng upuan.

"God, help me." rinig kong bulong ni Lisa. I smirked at tumingin sa harap. Sakto nasa harapan kami.

Umandar na ang roller coaster, sa umpisa mabagal lang at ng mapunta na kami sa tuktok.

"Yahhh! I knew this!" sigaw ni Lisa. Bigla kaming bumulusok sa baba at mabilis na ang takbo.

"Jennie-yah!! Humanda ka sakin mamaya! Ahhh!" sigaw nya at tumawa ako. "Hooooo!!" sigaw ko.

Ng tumigil na ang ride, bumaba na ako at nakita ko si Lisa na nakapikit ng madiin. Hahaha! "Hey Lisa!" sabi ko at tinanggal ang seat belt nya.

Bumaba na sya at pagewang gewang sya lumakad. "I'm so dizzy." sabi nya at humawak sa ulo. Sakto nakakita ako ng bench at umupo kami don.

"Yahhh! Jennie! Di na ako sasakay sa roller coaster!" sigaw nya sa akin at umarte na parang bata na umiiyak.

"Hahahahaha! You look like hahahahaha an idiot hahahahaha!" tawa ko. Sobrang lakas ng tawa ko. I don't know pero feeling ko ngayon lang ako tumawa ng ganito.

Tumawa na din si Lisa. "Ang ganda mo habang tumatawa." sabi nya sa akin at ngumiti. "Pero syempre mas maganda ako." sabi nya at nag hair flip. Aba!

"Wow ha." sabi ko. Naglabas sya ng cellphone at sabi nya na magpicture kami. Nagpicture kami ng nagpicture.

Halos lahat ng ride sinakyan na namin.

"Lisa, it's time to go home." sabi ko at tumango naman sya. Bitbit bitbit ko ang mga stuff toys na napalanunan ko. Dala naman ni Lisa yung sa kanya. Naglaro din kasi kami ng games.

Sumakay na kami sa kotse nya at hinatid ako pauwi. Nilabas ko ang phone ko at pinost ang mga picture namin. Binigay naman nya sa akin ang phone nya at sinabing ipost ko din daw sa account nya ang mga pictures.



Ng makarating na ako sa bahay binalik ko na sa kanya ang phone nya. "Bye Lili! Thank you." sabi ko at ngumiti. "Your welcome Nini. Thank you din." sabi naman nya.

Binuksan ko ang gate at pinadala kay Yaya ang mga stuff toys ko sa kwarto.

"So I guess, I'll see you again in Monday." sabi nya. Tumango naman ako. "Yup, next time sama naman natin si Jisoo. Bagay talaga kayo.Hahahaha." sabi ko at tumawa.

Nagpout naman sya at tumawa na rin. "Hay nako! Di ko type si Jisoo, actually may crush na ako." sabi nya. "Really? Sino!?" tanong ko.

"Secret na yon! Hahahaha, pasok ka na sa bahay mo maggagabi na. Bye Nini!" sabi nya, pumasok na sya sa kotse at kumaway ako sa kanya.

Pinaandar na nya ang sasakyan nya at umalis. Pumasok na ako sa bahay at umakyat sa kwarto para matulog.




Lisa's Pov

Nandito na ako sa bahay at nakahiga sa kama ko.

Ang ganda ng bonding namin ni Jennie kanina. Every time I see her, I think I'm falling more deeper. I love her gummy smile that makes me melt.

Hay Jennie, pano ka ba makuha?

Ang lapit mo na sa akin pero di parin kita masungkit. Jennie, crush mo ba ako? Hahaha.

Sana di dumating yung panahon na makahanap ka ng taong mamahalin mo na higit pa sa buhay mo, at hindi ako ang tao na iyon.

Sana ako ang taong gugustuhin mong pakasalan.

Ang drama ko, pero ang ganda ko parin.

Internet Love (JenLisa AU)Where stories live. Discover now