* Part 5 (ch.2) - My lost cellphone

10.3K 131 3
                                    

Author : Happy 2k, sa HGP. Trololol. Huuuuy! Comment naman kayo. Ohhh please. Ang lonely na ng UD's ko. Hahah. *U* 

Dedicated to ~ Thephenomlovesme . Thanks for the votes! :*

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


PART 5

ZYLA'S POV

 

 

*** classroom ***

Inexplain na ng mga Wangjas sakin ang gusto nilang mangyari at kung bakit ako shinota 'kuno' ni Prince. Actually, noong sinabi niyang i-girlfriend niya ako. He meant, ' fake girlfriend ' Siguro obvious na kung ano ang plano nila.

Si Lance kasi nagpasimuno nito eh. Sabi niya kasi.

' Kaya ang taas ng pride ni Layla kasi pinaglaban siya ni Prince.Kahit na siya yung nagkakamali, ipinaglaban niya pa rin si Layla. Kahit na siya naman talaga ang nangangaliwa, pinaglaban niya pa rin. Kaya na-spoil na yun kay Prince eh. Kaya maiba naman.. paselosin lang yung babaeng yun...babalik na yun. '

 

Nag-uusap kasi kami noon sa sasakyan, yung araw na nagising ako sa balikat ni Prince. Galit pa nga si Prince noon eh, pero nakinig lang kami sa mga pinagsasabi ni Lance.

Medyo natawa pa siya noong sinabi niyang...

' Saka ikaw ang gagamitin niya para paselosin si Layla.'


Sabi ko naman noon. ' A-ako? Eh pwede namang yung maganda ang pipiliin niyo. Yung ka level niya. K-kung ako... isang low standard lang... hindi siya magseselos. '


' Sauce! Di na uso yan! Mas matapakan ang pride niya kapag katulad mo ang gagamitin ni Prince. Mas masasaktan siya noon, knowing na papatol pa pala si Prince sa isang tulad mo na tinatawag niyang ' low standard.' Masasaktan siya nun. Bababa ang level niya. '


Tumango tango ako kasi gets ko na ang ibig niyang sabihin. Sabagay, siya yung cassanova kaya siguro alam niya yung takbo ng utak ng mga babae.

' So, okay na? Ikaw Prince, okay na? Ge na para magka lovelife ka na ulit.' xD

' Sh*t. Do I really have to f***ing do this?'

' Eh tangna ka pala eh! 'kala ko ba gusto mo makuha ulit si Layla?'

' Ah... eh sabagay, okay lang naman ang plano mo L-lance... '

' See! Payag nga si Zyla. Ikaw, payag ka na! Dami mo pang arte. Mapapanggap lang naman kayo. Ganun lang! Makuha mo na si Layla.'

' Whatever.'

' Oh, ok na ha! Pag ibubully si Zyla, protektahan mo siya. Kahit ngayon lang magpanggap ka para makuha mo ulit si Layla.'


Tapos noon ay umuwi muna ako para magbihis. Wala na si Pinky nun. Mga 6:00 na yun eh. Si Prince rin umuwi. Pero ilang sandali lang ay sinundo na naman nila ako sa bahay.

Hated by the Gangster PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon