Kabanata 25

1.3K 40 0
                                    

Kabanata 25

Kambal

"You okay?" biglang tanong ni Rhys dahilan para matigil ako sa pag-iisip ng kung ano ano.

Nilingon ko siya at tinanguan. "Yes I am, pasensya na nga pala at nagising ka."

"Wala 'yon, ako ang dapat humingi ng pasensya sa inasta ni Carrick, kapag pagod talaga siya ay gano'n," aniya bago ilagay ang pancit bihon doon sa kawali.

Naaamoy ko na 'yong luto niya! Napakabango no'n, tiyak na masarap din. Ang daming repolyo, carrots, young corn, shrimp at kung ano anong gulay pa! Kumpleto sa sangkap.

Bumungisngis ako saka lumapit sa tabi niya. Inamoy amoy ko 'yong pancit na ngayon ay hinahalo na niya. "Ang bango niya!"

Natawa siya saka sumulyap sa akin.

"Bilib na talaga ako sa 'yo," sabi ko at ngumiti ng pagkalapad lapad.

Buti nalang talaga at nandito si Rhys, dahil kung wala siya, baka magdamag na akong hindi nakatulog. Gano'n ako eh, kapag hindi ko nakakain ang gusto ko ay hindi ako makakatulog.

"Iba pala talaga kapag buntis 'no?" tanong niya, ang paningin ay nandoon na sa kanyang niluluto.

Nanatili naman ako sa kanyang tabi. "Oo naman, ibang iba," nakangiwi kong tugon sabay haplos sa aking tyan.

"Ang daming cravings, moody..."

Tumango ako at kumuha ng tinidor sa cabinet. "Yes, minsan nga hindi ko na alam kung saan pa nanggagaling ang inis ko eh."

Ngumiti siya ulit. "Ayos lang 'yon, buntis ka naman, natural lang na ganoon," aniya at pinatay na ang stove.

Kumuha na siya ng pinggan doon sa cabinet saka inilagay ang niluto niyang pancit. Nakagat ko ang ibabang labi habang nakatingin doon sa niluto niya.

Nang mailagay niya ang pinggan sa may counter top ay dahan dahan niya akong inilalayan na maupo roon.

"Salamat," sabi ko bago tuluyang lantakan 'yong pancit. Kumuha pa ako ng tinapay para ipares doon. "Hmm, ang sarap!" komento ko nang sumubong muli ng pancit at tinapay.

"Dahan dahan, baka mabulunan ka, kita mo apaw na 'yong bibig mo," naiiling bagaman natatawa niyang sinabi.

Natigilan ako sandali. "Pangit na ba ako?"

Ginulo niya ang buhok ko. "Nope, you're so gorgeous Bella."

"I know right," sabi ko at tinaasan siya ng isang kilay. Ipinagpatuloy ko na ulit ang kinakain. Napakasarap talaga no'n!

"Why didn't you like me the way you like my twin?" bigla ay tanong niya na hindi ko inaasahan.

Natigilan na naman ako sa kinakain at nilingon siya. I blinked twice dahil baka namamali lang ako ng dinig pero mukhang hindi.

Nakagat ko na naman ang sariling labi saka yumuko. Nagustuhan niya ba ako? Pero, bakit hindi niya sinabi?

"Nagustuhan mo 'ko?" tanong ko at nag-angat ng tingin, nagtama naman ang parehong mata namin.

Nakipagtitigan siya sa akin. "Yes, pero wala eh, Carrick loves you kaya hindi na kita pinormahan," nakangiti niyang tugon at nag-iwas ng tingin.

Bumuntong hininga ako at hinawakan ang kaliwa niyang kamay. Hinaplos ko 'yon ng paulit ulit. "Naging crush din naman kita, pero mahal ko talaga ang kakambal mo kahit pa na sobrang sungit niya."

Entangled Reminiscence (Completed)Where stories live. Discover now