Kabanata 10

1.4K 46 53
                                    

Kabanata 10

Aksidente

Natapos kaming kumain ng main course na tahimik. Sa aming lima na nasa hapag ay wala na ni isa ang nagbalak pa na magsalita matapos sabihin iyon ni Tito Fred.

Isinerve na ang desert pero ang isip ko ay tila hindi matahimik kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko. Nagpapalit palit ang tingin ko kina Tita Maria, Carrick at Rhys. Nagbabakasakaling makaramdam sila at biglang sabihin sa akin kung tungkol saan ang sinabi ni Tito Fred kanina.

Nakagat ko ang ibabang labi saka dahan dahang binalingan si Tito. "What are you talking about earlier po? Iyong about sa kasal?" naguguluhang tanong ko.

Tumingin muna siya kina Tita Maria saka bumaling sa akin at umiling. "That was just a joke hija."

Joke? Kung ganoon ay hindi pala magaling magbiro si Tito? "Kung ganoon po ay pangit pala kayong magbiro?" tanong ko at natawa silang pamilya. Weird!

"Walang namamagitan sa amin ni Gab, Pa." si Carrick na hindi ko inaasahang magsasalita nang oras na iyon. Pinanliitan siya ng mata ni Tito pero maya maya'y tinanguan din.

Natapos kaming kumain ng desert. Matapos 'yon ay nagtungo na ako sa aking silid. Mula sa teresa ng bahay ay tinanaw ko ang napakagandang buwan.

Napayakap pa ako sa aking sarili nang maramdaman ang malamig na hangin sa aking balat. Nang magsawa sa katitingin sa buwan ay naupo ako sa harap ng vanity mirror. Kinuha ko ang brush at dahan dahang sinuklay ang aking buhok.

Pinagmasdan ko ang aking sarili mula sa salamin. Mula sa makakapal kong kilay, sa mahaba kong pilik-mata, sa naniningkit kong mata, sa matangos kong ilong at may kakapalan na labi. Napalakas ng awra ko, kaya hindi na ako magtataka kung sasabihin ng iba na mataray akong tignan.

Kinabukasan ay maaga kaming bumalik ni Carrick sa shelter, hindi na nagawang sumama nina Rhys at Travis dahil kailangan nilang pumunta bigla ng Maynila. Ilang araw pa raw bago sila makabalik dito.

"Thank you po!" Sabay sabay na sinabi 'yon ng mga bata habang hawak hawak ang kaniya kaniyang regalo na bigay namin. Nakangiti ko silang pinagmasdan.

"You're welcome." si Carrick na ang sumagot dahil abala ako sa pagtingin sa mga bata. Napakasaya nilang titigan.

Minsan, hindi ko maisip kung bakit may mga magulang na nagagawang ipamigay ang kanilang mga anak e, kung tutuusin, masaya namang magkaroon ng anak o bata sa bahay. Paano nakakaya ng konsensya nila na iwan nalang at ipamigay basta basta ang sarili nilang anak?

Tumugtog si Carrick doon sa piano na naroon sa shelter, iyon ang ginagamit ng mga bata kapag nagaaral sila sa musika. Nakakahangang nagboluntaryo pa siya na gawin iyon, malayong malayo sa Carrick na kilala ko.

Nakakatuwang pagmasdan si Carrick na nakikihalubilo sa mga bata, 'yong tipong parang magkasundong magkasundo sila, iisa ang gusto.

Nang matapos siyang tumugtog ay lumapit ang isang batang lalaki, hawak ang isang baril-barilan.

"Ang astig po nito! Thank you po!" nakangiting anang bata.

Ngumiti si Carrick. "Walang anuman," sagot niya at ginulo ang buhok no'ng bata.

"Senyorita, prinsesa na po ako," sabi naman ng batang lumapit sa akin, siya rin 'yong nagsabi no'ng nakaraan na sana ay pu'pwede siyang maging prinsesa.

Nginitian ko siya at tinanguan, nagawa pa niyang umikot ikot sa harap ko habang suot suot 'yong korona. Kitang kita ko sa mga mukha nila ang saya.

"Balik po ulit kayo rito!" sabay sabay nila 'yong sinabi nang tuluyan na kaming magpaalam ni Carrick.

Entangled Reminiscence (Completed)Where stories live. Discover now