Chapter 5

24.9K 916 213
                                    

Para sa kanya kasi natatakot daw syang baka magloko ang boyprend nyang si Zelo (wooo <u<) 

Yung nakaka-puts na feeling na nakahiga ako sa kama habang nanonood ng performance ng b.a.p sa youtube, tapos nagtitili ako with matching sipa pa ng paa kaya nalalaglag yung laptop ko sa kama tapos nag-restart... YUNG UPDATE KO, NAWALA. T^T Halos maibato ko na 'to eh.

Lesson learned: Don't watch B.A.P when the laptop is below you. 

☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ 

Chapter 5

●~* Warriors ●~*

"Cherry tomatoes!! *O*/" sugod ni Zelo pagkatapak ko pa lang sa loob ng bahay galing sa pag-g-grocery.

It's been days since they invaded this house, at nakikilala ko sila with each passing day.

Si Yongguk, mahilig sya sa war movies. Minsan nga, naririnig ko 'tong nasigaw tapos tarantang-taranta naman akong pupuntahan sya, yun pala, sumabog lang ang ship/helicopter/sasakyan o kung anumang pinapanood nya. -,- But beneath those looks, may soft heart din naman pala sya... kahit papaano.



Si Himchan, ISANG PERVERTED ALIEN. TAPOS. Gigising na lang ako sa umaga na sya na ang nasa tabi ko tapos nakayakap pa sakin. Si Zelo naman, walang kamalay-malay na sya ang nasa sahig. Pero malaking tulong naman sya kasi tinutulungan nya ako sa mga gawaing bahay. ^u^

Si Daehyun, NEVER pa nyang tinanggal ang mask nya. Hindi ko pa nga naririnig ang boses nito eh. Pero eto, napansin ko na mahilig sya sa cheesecakes. Kapag kasi nag-uuwi ako ng isang pack ng cheesecake, dadakot agad sya ng pagkarami-rami tapos didiretso na sa kwarto nila.

Si Youngjae, isang total techno-geek. Isang araw, nadaanan namin ang isang electronic shop, pumasok agad sya dun at muntikan na nyang gamitin ang abilidad nya sa sobrang tuwa. Pero wag kayo, nakakatakot 'to kapag may mood swing... nakakatakot.



Si Jongup, sya ang pinaka-gusto ko sa kanila. Hehe. Unang-una, hindi sya nagpapasakit sa ulo ko, pangalawa, lagi syang nakangiti kaya kahit papaano naman eh nawawala ang pagod ko, pangatlo, ang inosente nya. Hindi ko nga ma-imagine kung paano naging nakakatakot ang abilidad nya eh *o*

Si Zelo, ang mahilig sa cherry tomatoes. Hindi nga ako nauwi dito galing grocery kapag hindi ako nakakabili nun eh, baka magwala. >.> Ay, nasanay na pala syang sa kwarto ko matulog. Ang sarap pala ng pakiramdam na may baby brother 'no? TuT

Babysitting 6 AliensWhere stories live. Discover now