Chapter 24

18.4K 664 111
                                    

Dedicated to Khai_SuJin :D

Her rant: Si Zelo po ang bias ko. Kase ang kyuuuuut nya! ="""> At tsaka, nakakainlab syang magrap! Tapos yung kilos nya, gustong-gusto ko! Hahaha! Tapos yung ngiti nya, lalong nagpapacute sa kanya! Kaya lab na lab ko yun! Hahaha!

☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ

CHAPTER 24

●~* Danger ●~*

[BAMBI]

"Bambi, samin ka na sumabay ngayong lunch." sabi sakin ni Leaf.

"Ok.." matamlay kong sagot.

"Bambs.. ngumiti ka na. Hindi ako sanay na ganito ka." malungkot at halos nagmamakaawang sabi ni Leaf.

Huminga ako ng malalim, at kahit mahirap, ngumiti ako.

Ang ngiting ilang araw ko ring pinagpraktisan sa salamin.

Oo.. ilang araw na mula nung umalis sila.

Ang excuse na binigay ko ay lumipat na sila sa ibang lugar.

Sa malayong lugar.

Ilang araw na rin na pinipilit ko ang sarili kong bumalik sa dating ako.

Ang hirap kasi...

Yung nasanay ka nang mag-isa sa sarili mong blankong mundo, tapos biglang may dadating sayo para punuin ito.. tapos sa huli, aalis lang din pala sila.

Ugh. Ayoko nang umiyak. Please.

Babysitting 6 AliensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon